Monday, December 28, 2009

Ivler's mother and some unimportant 'me-news'

Pumasok ako sa opisina ngayong umaga. Natulog ako sa bus ng papunta. Walang pakialam kung naghuhumampas ang aking mga kamay sa ere sa bilis ng patakbo ni uncle driver. Antok na antok, na tila pagod na pagod. Lumampas ang sinasakyan ko sa aking ‘usual stop’. Sinadya ko ito, nang maiba naman. Naglakad ako mula Raffles Hotel, nagpumilit makipag patintero sa mga sasakyan, napaalalahanang walang ikabubuti ang pag gamit ng ‘short cut’. Dumaan sa McDonald’s para sa 2.50 dollars na McMuffin with coffee (good deal ito, pramis) ‘for take away’. Nagtaka kung bakit halos walang tao sa opisina. Kumain ng umagahan sa mesa. Nag bukas ng talapindutan (computer, bagong kaalaman, o-ha), nang lotus notes at mozilla.

Sabay galing sa email ni Emma (Williams. Sorry, it had to rhyme eh): Schmap Barcelona Ninth Edition: Photo Inclusion .


http://www.schmap.com/barcelona/activities_guided/p=83143/i=83143_119.jpg

Aba. Sino ang mag-aakala?

Magandang umaga.

--00--

In other news, ang nanay ni Jason Ivler ay masyadong paimportante. Sa kanyang palagay, na set-up daw ang anak nya, dahil sa kanyang sinulat na libro (‘Warrior of Heaven’) kung saan binabatikos nya ang Amerika at ang kanilang “killing machine”. Hindi ito matarok ng aking pag iisip, na parang gusto kong paulit ulitin ang Singaporean small talk phrase na “ Reee-li? How come ah? Sure or not?” Hindi ako magtataka kung sa huwebes man ideklara na magugunaw na ang mundo, aaminin ni Ginang Ivler (na kapatid ni Ka Freddie Aguilar, at Marlene Aguilar sa totoong buhay) na modus operandi lang ito, para takutin sya, at the expense of the whole world.

Now, about that nose…

According to her website, she’s a very accomplished arts publisher and literary icon of some sort, garnering praises from well known people. Lookatdat!

No comments: