Tuesday, March 31, 2009

Some kindavah-bagay

Manika Updates:

Ah yes, they're here. After a near coronary, I was able to bring the girls home in Manila. To all those who ordered--thank you for your support, and hope you enjoyed 'em girls. Sa uulitin! (hindi ko na sasabihin kung sino sino yun, as I've decided to be discreet with my clients. Naaks. Manika lang yan ha! hehe. But really, some asked for non disclosure). While everyone placed their bets earlier on either Adorable Aubrey and Heather Sky (Heather was sold out 'on shelf', that night I came to pick up the pre ordered dolls--that's in less than 8 hours of release outside Japan. Taray), Winsome Willow turned to be a huge surprise. I'd have to say her promo material didn't do her any justice, much less the use of pink eye chips for her promo pictures. 

Now, not saying that the other two girls weren't that good looking as predicted. Aubrey was pale, chic and maldita-ish, and Heather was charmingly 'different' (note: it's not every month that Hasbro/Takara releases a dark skinned girl, so I'd say she's a keeper).  As I was telling gingmaganda--Heather just needs a change of clothes. heh. 

Now, back to Willow-- see? She's pretty naman pala, kayo talaga (picture below). :)

picture from silly lil' doe

And here is one of the many answers to the question 'what makes this doll so special?'

Blythe for McQ Alexander McQueen for Target

imagine a mini-me version of yourself. in nice fashionista clothes.
syet. aylavit.
(photos by minklet)

NB:

Thursday, March 26, 2009

Wednesday@NUS

The girls tagged along today.
Outdoor shoot was at 1030 am (so you can imagine how many calories I lost, by simply bending and swooping very low) taken under one the big trees of Kent Ridge's brick pathway going to AS 2 (where my office is). The indoor shots were taken from my office in Geography Dept.
and they (finally!) wore shoes with much more sense. heh.



they even brought a picnic spread, egad.
you can imagine these big ants big as buses cheering for joy. no, not THAT ant. Aha, someone managed to sneak in...meet George. The girls love playing with her, they think she's a toy
(nagpapatawa o, toy daw!).
Their initial agenda was to see whether she can fit in their picnic bag.
AJ has a new hobby. Scaring people shit with her eyes. ahaha.
see that camera? ah yes, she's a lomo-ista too.
Stella on her siesta. She lasted for 30 seconds. She's been freaking out on the ants.
Back in my office.
Oh, did I mention I managed to change each girl's respective 'plugs'? :)
For AJ, I chanced upon this really ginormous heart shaped trinket.
I got Stella (in her most 'oily-ness') a simpler, purple plug.
tea time!
AJ wanted coffee from CC (Coffee Club). Mamumulubi ako dito sa batang ito.Hungry?'Naghugas ka na ba ng kamay, iha?' manang kasi si Ate AJ eh.
The girls discussing their post tea-break activities.
Stella was having a hard, slippery time. (on her chair, that is)
'George. wtf? a boy's name? is that even legal?' was the order of the day.

George found a friend in Uglyworm.

Waiting for sun down.

family picture ba ito?

Wednesday, March 25, 2009

Lemme sweep my iphone

Mga halo halong larawan na nahalungkat ko mula sa aking iPhone na si Fanyang.
ah, wala nang edit edit ito. hehe. 
Ika nga ni Kim eh, 'Share ko laang..'

Mangored Prenup shoot
mini photobook
wala pa yung soft copy.

personal favourite was this shot taken at Wendy's Dapitan (lookielook--first pic, right most). 
The 'ID Shot' (second pic, middle) came in second. hehe.


kakaibang laruan: da camera phone gel lens comes in different 'effects'. 
May bling (below) epek, kung saan lahat ng source of light ay nagmamala-dyamante, at meron ding epek kung saan magiging tatlo ang ulo mo, you'll end up looking like an alien (sunod na pic). Mura lang ang kapiraso ng kasiyahan na ito, kaya naman nilimas ni Janice at Tintin ang lahat ng Action City dito sa isla.


Ugly worm and the pen pals.
As requested, nagpadala ng pictures ang mga ka-penpal ni Uglyworm.
Nabigla sya nang makitang seryoso palang pink si 'Pinky' (pictured here as pugly).
Pero mas naloka sya nang mapansin nyang eherm--2 footer NGA si Trunko (o baka naman maliit ang kasama nitong tao sa picture). Saka nya na gets na mahirap pala ang long distance relationship, lalo na't nde pa sila nag e-EB.

Birthday ni Ruel nung isang linggo.
pwedeng topper si Zia sa cake o!



Sunday, March 22, 2009

Bingi-bangers weekend

Yeah, my eardrums haven't recovered. As I was telling Gingmaganda, apekted ang pagsusulat ko, so i'll paste pictures nalang. :P

Friday. 20 March 2009.
SCAPE Youth Park.
Sandwich.
pics from mah eye-fon.
blurred sya talaga (anubah!)



Some of our friends were sensible enough to ask Raims Marasigan for a photo-op using digital camera, samantang nagtapang tapangan kami ni Jay--ang gin
amit lang namin ay ang aming lomocams (holga at horizon) sa photo-op, hoping that an ASA 800 will save the day. ah syet--gudlak)

eto pa...

Saturday. 21 March 2009.
Library@Esplanade
Nokia Music Station
Mosaic Music Festival Singapore
Wolfgang

teka, extra lang...Jay and I were just discussing Tirso Rippoll of Razorback nang malaman naming someone's joining Wolfgang for their Acoustic Session concert. (NOTE: Meng!! isa itong dream come true!)


para sa isang taong nagsusuot ng tshirt na ang nakasulat ay patungkol sa analog, si Basti Artadi ay na-bewilder nung sinabi kong fisheye ang isang camera na gagamitin ko for the shoot. :) Pero potah--ang taba ko dito.

may part sakin na nagwish na nag-ayos man lang ako ng konti.

eto ang paborito ko.
hosts: ...(while in middle of so many questions) and it's fascinating that you've gone a long way, even if you are from different nationalities.
Basti: Ah--WE ARE ALL FILIPINOS, we probably only differ in...blood. 

ay pota. haylavit.

Friday, March 20, 2009

Makabayan 101

These past months, lagi kong naiisip ang pwedeng mangyari sa mga magiging anak ko, kung iuuwi namin sila sa Pilipinas para dun lumaki.
Mataas ang crime rate sa atin, hindi safe ang mga kalye at madaming pagkakataon na kailangan mong maging praning.
Wala pa naman kaming final na plano ni Jay, pero wala lang…hindi ko kayang isipin na mami-miss out nila yung mga bagay na naranasan namin nung bata pa kami:

…ang maglaro ng patintero at taguan(!) sa ilalim ng bilugang buwan
…ang madapa, at masugatan sa pagkakadapa sa kalsadang di pa espalto
…ang maglakad sa baha, at makaramdam ng halong tuwa (walang pasok) at kaba pag bumabagyo at kumukulog
...ang makagawa ng bubbles gamit ang tide powder, gumamela at straw
…ang umakyat sa puno, maligo sa batis at makaamoy ng echas ng kalabaw
…ang kahit panandalian lamang ay matutong sumayaw, kumanta at umarte, gaya ng napapanuod sa TV
…ang maintindihan na ang pagpasok sa eskwela ay hindi lang para sa grado, para din ito sa mga kaibigan mo at mga kalaro sa moro moro (dahil isa kang eherm--runner) at para sayo, nang masilayan mo ang iyong ‘crush’ (haha)
…ang mapagtawanan sa kadahilanang barok kang mag inggles, at ipapangako mo sa sarili mong gagalingan mo pa, at next time ay di-accent na.
…ang gumawa ng tula na hinugot mo pa sa kalaliman ng iyong puso, sa lenggwaheng una mong nakagisnan, na sinasalita ng kahit sino-- sa kalye, eskwela at mga bulwagan.
…ang matawa at tumawa sa mga kantyawan at biruan na madalas ay mas masarap ikwento sa Tagalog, dahil mas may dating ito.
…ang gumawa ng mga nakakaaliw na alyas sa lahat ng taong kakilala mo
…ang saya na nakukuha sa panunuod ng basketball
…ang maramdaman, sa iyong paglaki—kahit minsan lamang, na masarap din 'palang' maging Filipino.
…at kahit na madaming maloloko, mapagsamantala, at panirang puri sa lahi mo,
…alam mong ganon ang buhay, at mag iingat ka nalang, at magiging maalalahanin sa kapwa.
…pero hindi ito hadlang para ka maging masayahin, magparty, maglaro at tumawa.
Kasi..thats’ life.
At masarap mabuhay, lalo na para sa isang Filipino.
at…wala lang.
yun na yun.

syempre din, di mawawala ang walang kamatayang nakasulat na ganito sa gate nyo, o ng kapitbahay nyo.

LAST CALL for PRE ORDER: BLYTHE PRIMA DOLLY SERIES 4

I'll post more about this tomorow (kasi nagmamadali akong umalis ng office, may pinoy band na tutugtog sa SCAPE Youth Park (Orchard) memeyang 10:30--Sandwich daw ang pangalan*. hehe), but for the meantime:

*qualifier: Im a not fan. Si Jay--yuuun! yun ang fan. crush ko lang yung datin nilang vocalist, na nasa Kjwan na pala.

LAST CALL FOR PRE ORDER: BLYTHE PRIMA DOLLY SERIES 4.

link: http://dyowsa.multiply.com/market/item/1

Pre order Pricing:

Php 5,000 per doll, pick up at Masuki Greenhills (ready by March 29). Special discount for set purchase (3 dolls).

Php 4,750 per doll + shipping fees, if you want the doll/s directly shipped to you, from Singapore (shipping rates in Singapore dollars, via Fed Ex Express (2 days shipping)).

How pre order works: Reserve a doll for Php 900 (or more): deductable to total amount, but non refundable), pay 50% balance by March 27, remaining 50% of total upon pick up/meet up.

Please note of price increase after release date (27 March).

Saturday, March 14, 2009

Horizon. Perfekt.

Boracay. February 2009.
So--this is why it's called a Horizon Perfekt.
(in Redscale Lomo film)

Friday, March 13, 2009

it's been a rough day, and this is what you get

(images not mine, snatched from eeblet and adam via flickr)

Madaming mabaho dito (or is it jas me?). there, I said it. at hindi ito namimili ng okupasyon or okasyon, for that matter.

Akala ko minsan naglilihi ako, kasi lalong na-heighten ang aking sense of smell. Eh hindi naman pala, so palagay ko ‘lumalala’ lang ang degree of smelliness ng—well, mababahong tao dito (disclaimer, baka kasi nde naman pala lahat mabaho (hindi ko pa naman naaamoy lahat), so Im not ready to make sweeping statements). Dati ay pinipilit ko pang intindihin na baka sa linya ng trabaho nila, kaya ang ibang tao ay may angking powers. Kaso madaming beses narin na napapahiya ako, lalo na pag may nakakasabay akong mukhang tagahalukay ng lupa pero smells like ‘Irish Spring’ ang lolo mo. Kabaliktaran ito ng mga taong posturang postura sa unang tingin, kaso talagang hindi lang amoy hindi naligo, hindi pa nagsipilyo (at hihikab pa, gedemet!). Dati rin ina-associate ko itong amoy na ito on certain parts of the day. Pero tinalo ang hypothesis kong ito, nang ilang mga umaga na hindi talaga candidate for ‘good morning’ dahil tila kakagising lang nga katabi mo sa bus, at di man lang nagwisik (matapos nyang mag-ehersisyo sa kanyang panaginip, take note). Sino ba naman ang gaganahang pumasok ng maaga nyan?

buti pa si lolo, panigurado.



Madami dami na yata akong naisip na catch phrases in my ‘trying really hard’ to describe how the ‘experience’ is:

‘Parang isang araw na naisipan ng sambayanang wag munang maligo. Ng walong taon. At year three na.’
‘ …pero naisipan din nilang mag-jogging sa init ng araw maghapon’.
‘…suot suot ang sakong dating sisidlan ng kambing’.
‘…na tinutulugan (DIN!) nila sa loob na ng 3 mahabang taon’.
‘…at naisipan mong I-review ang batas, kung meron bang nakukulong dahil mabaho sila’.
‘…at kung baket sa loob ng limang taon na andito ka, nabibigla ka parin pag may moments na ito’.
‘…at minsan di maiwasang mag isip—kung pwedeng manakit ng mga taong amoy kilikili, maasim at kinulob na itik na tatapat pa sa aircon vent para magpalamig.’
‘…or kung may namatay na ba nang sa kadahilanang ‘nabahuan at nainis’’.

Ewan ko ha, sabihin nalang natin na…kung may isang pagkakataon na kinailangan kong magbigay ng ‘gift’ para sa bansa na ito, ang ibibigay ko marahil (nang may buong pagmamahal!) ay ito…

TAWAS CRYSTALS.

in other news...



NB: Probably once a month, I'll be blogging about tidbits on this wonderful place Im currently located. It's called Singapore. I don't think Ive blogged enough about it, for the very reason that Im not your regular tourist guide whose into--well, touristy things. But then again I thought I should write about things as they are--'going local', as the now-cliche calls it: where to get cheap finds, where to go (non tourist hang outs, probably for the tourists (oh hey!) and non tourists) and where to find your regular items (more useful for those tourist-turned-something else). Some posts are what I'll call categorically good, some bad and some are open to debate. I won't go very political or anything--just notes-- catty comments and observation. Just like the old dyowsa.blogspot.com days. Yes, I never learned my lesson.

Friday, March 6, 2009

Paalam, Kiko. Mami-miss ka namin.

Sa mga hindi nakakaalam, kung kami ay magkakaanak ng lalake sa 'near future', papangalanan namin syang Francis dahil sya ang isa sa iilang idolo ng aking asawa. Kaya kaninang tanghali, makalampas alas dose, naramdaman ko ang lungkot sa kanyang message nung ni send nya sakin ang link from Inquirer: 

http://newsinfo.inquirer.net/topstories/topstories/view/20090306-192678/Rapper-Francis-Magalona-passes-away. 

Hindi ko na kelangang i-click yung link. yun na yun.

May part sa akin na nalungkot. Naisip ko yung mga anak nya, at si Pia. 
Kaso, siguro hindi naman din pagmamalabis isipin na ang kagandahan nun ay 'he lived life to the fullest'--kumbaga, he experienced life, hindi sya expectator lang. May saysay ang inilagi nya dito, at tiyak na mami miss natin sya.

Tapos, saka ko naisip yung paborito kong kanta ni Kiko, na ni-request ko pang kantahin acapella ng mga pinaka matalik kong kaibigan para sa aming wedding processional (na pinagkabilin bilin ko). Wala lang-- it suddenly became melancholic. And galing ng timing.

Girl Be Mine
let the sun shine
let the rivers run away
coz its a beautiful day now
to play now
as i close my eyes and pray
lord have mercy on me
coz im feeling kinda lonely
would you be
could you be
my one and only

took a train at a station
and almost lost my patience coz i was waiting
damned rain delayed the train
now im waitin in vain 
just to see your face
is this the one that im supposed to be afraid of
is this the one that im supposed to be ashamed of
hard as a rock not soft like play-do
everytime i hear a song playing on the radio

let the wind blow
let the wind touch my face
i wanna take a little break now
shake now
this is what i have to say
i feel so fine
so fine that it blows my mind
tell the truth 
when will you be mine

and in my dream you are so real 
so it seems
inside my head a giant screen 
plays every scene
while i scream 
i feel you everytime i go to sleep
wake up in the middle of the night 
and i weep
gotta be mine
that girl is so fine
girl be mine
girl be mine
all it takes is a matter of time

and in my dream you are so real 
or so it seems
inside my head a giant screen 
plays every scene
so you see 
i feel you everytime i go to sleep
all it takes is a matter of time
tell the truth 
will youl be mine

sun shine
let the rivers run away
coz its a beautiful day now
to play now
as i close my eyes and pray
lord have mercy on me
you know im feeling kinda lonely
could you be
would you be

let the wind blow
let the wind touch my face
i wanna take a little break now
shake now
this is what i have to say
i feel so fine
so fine the it blows my mind
tell the truth 
when will you be mine

let the sun shine
let the rivers run away
coz its a beautiful day now
to play now
and as i close my eyes and pray
lord have mercy on me
you know im feeling kinda lonely
could you be
would you be
could you be
would you be
could you be
would you be
be mine 

Kabado (ng konti)

I just started an entreprenuerial venture. Very small time (muna), but I'll probably venture out on a more comfortable scale mid this year. Wala lang--gusto kong magkaroon ng Blythe Manila. Parang Blythe Thailand ba. It should be a long way ahead, pero baket ba. :)
Here's a peek to what I'll be selling.


And here's another project (josme!)--pre selling soon. She's called Sunshine Holiday (and yes--that's a limited edition --and a bikini!)

do check out 'the store' for updates. (well, I just started, so nothing much yet. BUT STILL!)
im a bit excited. :) a bit laang.

Share the love