These past months, lagi kong naiisip ang pwedeng mangyari sa mga magiging anak ko, kung iuuwi namin sila sa Pilipinas para dun lumaki.
Mataas ang crime rate sa atin, hindi safe ang mga kalye at madaming pagkakataon na kailangan mong maging praning.
Wala pa naman kaming final na plano ni Jay, pero wala lang…hindi ko kayang isipin na mami-miss out nila yung mga bagay na naranasan namin nung bata pa kami:
…ang maglaro ng patintero at taguan(!) sa ilalim ng bilugang buwan
…ang madapa, at masugatan sa pagkakadapa sa kalsadang di pa espalto
…ang maglakad sa baha, at makaramdam ng halong tuwa (walang pasok) at kaba pag bumabagyo at kumukulog
...ang makagawa ng bubbles gamit ang tide powder, gumamela at straw
…ang umakyat sa puno, maligo sa batis at makaamoy ng echas ng kalabaw
…ang kahit panandalian lamang ay matutong sumayaw, kumanta at umarte, gaya ng napapanuod sa TV
…ang maintindihan na ang pagpasok sa eskwela ay hindi lang para sa grado, para din ito sa mga kaibigan mo at mga kalaro sa moro moro (dahil isa kang eherm--runner) at para sayo, nang masilayan mo ang iyong ‘crush’ (haha)
…ang mapagtawanan sa kadahilanang barok kang mag inggles, at ipapangako mo sa sarili mong gagalingan mo pa, at next time ay di-accent na.
…ang gumawa ng tula na hinugot mo pa sa kalaliman ng iyong puso, sa lenggwaheng una mong nakagisnan, na sinasalita ng kahit sino-- sa kalye, eskwela at mga bulwagan.
…ang matawa at tumawa sa mga kantyawan at biruan na madalas ay mas masarap ikwento sa Tagalog, dahil mas may dating ito.
…ang gumawa ng mga nakakaaliw na alyas sa lahat ng taong kakilala mo
…ang saya na nakukuha sa panunuod ng basketball
…ang maramdaman, sa iyong paglaki—kahit minsan lamang, na masarap din 'palang' maging Filipino.
…at kahit na madaming maloloko, mapagsamantala, at panirang puri sa lahi mo,
…alam mong ganon ang buhay, at mag iingat ka nalang, at magiging maalalahanin sa kapwa.
…pero hindi ito hadlang para ka maging masayahin, magparty, maglaro at tumawa.
Kasi..thats’ life.
At masarap mabuhay, lalo na para sa isang Filipino.
at…wala lang.
yun na yun.
Friday, March 20, 2009
Makabayan 101
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment