an ex colleague of mine asked about my whereabouts, through fezbook. This is what I told her.
And I liked what I saw. :)
im in wk 3 of my taitai programme, and have been eating veggies and all that shit. :P no babies yet-- those nasty critters which is the whole point of my taitaihood, and to put it mildly, im getting impatient. thought i could buy them off grocery shelves. anyway, im trying my best to be zen about it (see funny wall status). oh. some good news--i got into this scholarship for a euro masters. im targetting a phd afterwards (i know, the pressure), so wish me luck. :D and how are yah?
Showing posts with label chick lit. Show all posts
Showing posts with label chick lit. Show all posts
Wednesday, April 21, 2010
Friday, February 5, 2010
priority.

sabi ko sa boss ko nung isang araw,
"hanggang leeg ko na po ang trabaho, ate. ano po ba ang uunahin ko dito?"
sabi nya, lahat daw.
Ah.
Magaling ako dyan, lahat gustong gawin saby sabay.
Pero.
Iba ngayon.
May uunahin ako.
Kala ko habambuhay na akong magiging bumbero.
fire fighting kasi ang tawag nila sa mga taong nagmu multi task dito.
Pamatay sunog. Parang angkop nga naman.
Kapag tinatanong ako kung baket ngayon ko pa naisipang mag iba ng kinagawian,
Malilito ako sa isasagot.
Mapapaisip na naman ako.
At magtatanong muli sa sarili,
"Ano kaya kung kaya ko namang pag sabayin?"
Kapag naitanong ko ulit ito, paki supalpal nga ako.
Paki ulit na hindi ko hawak ang kinabukasan,
hindi ko hawak ang plano ng may kapal.
Pero may laya ako.
At may kakayahang mag desisyon kung dapat bang kumilos.
At gawin ang makakayang gawin.
May uunahin ako.
Hindi natin alam kung tama ito, pero kailangan natin syang bigyan ng pagkakataon.
Naks. Im so makata na.
Saturday, January 16, 2010
Mujeres al borde de un ataque de nervios
(Ay, I have to give credit to Gingmaganda for this title . Ayan. Credit. hahaha.)
I'd say it's just one of those days.
When you feel like a total fool.
A mismatch.
You trudge through the chores of working life
You get paid for things you don't even get pleasure from.
Like prostitutes. Oh fekk that, maybe worse.
So you think of other ways to divert your sad state.
Temporary drugs to keep you going.
Your body maybe willing, but your soul--MIA.
Then you think of escapes, of so-called 'dream sequences'.
You just want something you 'want'. You like. You are passionate for.
I don't think such indicates what I'm doing right now.
And calls have to be made. Soon.
Thursday, January 15, 2009
MALIIT.
May isa akong kakilala, house wife sya at nanay sa dalawang batang parehong pumapasok na sa eskwelahan. Nagbitiw sya sa trabaho (‘hindi naman kalakihan ang kita’), sa kadahilanang gusto nyang matutukan ang kanyang mga anak (‘madalas sila magkasakit’) na maliliit pa.
Mayroon syang maliit na negosyo na inilalako nya sa mga kaibigan at kapitbahay.
Si mister ang punong tagapagbigay nang halos lahat nang bagay na maibibigay nang pera.
Isang araw, kinagabihan matapos kumain at habang sya ay nagliligpit, pinuna ni mister ang estante: ‘tignan mo itong estante, ang dumi dumi na’. Binigyan nya nang sulyap ito, at inisip—kung paano, bukod sa pagwawalis araw araw nang may kalakihan nilang bahay, maisasama nya ang estante. ‘Tignan mo o...ano ba ang ginagawa mo dito sa bahay?’ dagdag nang haligi nang tahanan. Natigilan sya sa pag iisip, di mawari kung paano tatanggapin ang sinabi nang kabiyak na nagtutustos nang lahat nang pangangailangan nila. Naisip nya ang araw araw na kailangan nyang gumising nang maaga, para ipaghanda ang almusal nilang mag anak, para masigurado na may isusuot na damit si mister, at para mapakain ang panganay nya (‘na matagal ngumuya at matapos’) na pang umaga.
Ihahatid nya ito sa gate (kasama si bunso) nang eskwelahan matapos usisain kung natapos ba nito ang kanyang takdang aralin kagabi. Pag balik nang bahay, si bunso naman ang aasikasihun—paliliguan, sisiguraduhing kumain nang madami, naka-dumi na at ihahanda para sa pang hapon na klase. Mag-aayos sya nang bahay, na sa araw araw na ginawa nang diyos ay may kalat ng mga laruan sa sahig-- mga pinag gupitan na papel, at kung ano ano pang maaring matapon na malagkit o madulas. Pagkatapos ay ihahatid nya si bunso sa eskwelahan ('malapit lang naman'), at susunduin naman si ate sa kabilang eskwela. Magsasabi si ate sa kanya na kung maaari ay huwag na syang sunduin dahil malaki na sya. Oo, sya na pitong taong gulang ay malaki na, at hindi sya maaaring ma disgrasya sa pagtawid ng kalsada, o malapitan nang masasamang loob.
Uuwi sila nang bahay, at magwawalis sya. Madalas syang makipag usap sa telepono habang sya ay nag iimis. Iniaalok nya ang paninda nya sa mga kaibigan, kung hindi naman ay nakikipag kwentuhan sya sa mga taong interesadong malaman kung ano ang kalagayan niya.
Maiinis si ate dahil mauutusan nya itong magligpit nang iba pang kalat. Magwiwika sa ate na pagod sya, at ibabaling ang katamaran sa pagbababad nang nanay nya sa telepono. ‘Mama, kanina ka pa nakikipag tsimisan, tapos ako ang uutusan mong magligpit’. Nagpanting ang tenga nya. Narinig na nya iyong tono na yon dati. Sa asawa nya. Ang asawa nyang magaling na wala nang ginawa kung hindi sumang ayon sa lahat nang sasabihin nang anak nya, sa kadahilanang ayaw nyang makipag talo:
Pag sya ay ‘hindi puwede’, si mister ay ‘Sige lang’.
Pag sinabi nyang tapusin ang takdang aralin at irarason ni ate na pagod na sya (at ipapahinga nya ang mata sa pamamagitan nang panunuod nang telebisyon), sasang ayon si mister kay ate. Hindi na tuloy naniniwala si ate sa kanya, at ang huling salita ay kay itay.
Bakit nga naman sya ang masusunod, eh hindi naman sya ang nagpapakain sa kanila?
Hindi naman sya ang nagpapakahirap sa pagtatrabaho (na ayon sa mga kalalakihan na de pamilya ay ang tanging paraan para makaiwas sa responsibilidad sa bahay) at pagkita nang pera?
Bakit, ano ba sya?
‘Bakit, ano ba ako? Katulong nyo ba ako?’ nagbalik ang kanyang diwa sa pang-kasalukuyan.
‘Porke’t hindi ako ang kumukita nang pera, wala na ba akong karapatan magpahinga—o masunod?’
Natigilan ang buong bahay, ngunit pang samantala lamang.
‘Sige, tignan ko lang, pag nawala ako. Kung hindi gumuho ang mga mundo nyo. Gaano ba ka 'di importante itong ginagawa ko, at kailangan akong kastiguhin at maliitin? ’
Hindi sya nagsalita muli, at nanahimik nang tuluyan.
Basa pa ang mga sampay. Bukas nga pala—anong ulam?

Thursday, November 6, 2008
Lente.
Hindi inaasahang matutuwa ako sa bagay na di ko kilala—tulad nito.
Plastic, mura--chipipay kumbaga.
Walang zoom, ISO check, sharpness, atbp.
Sa panahong lahat ng bagay ay pwedeng ‘perfect’ at di-metro,
Aanhin mo ang di mo alam, at di garantisado?
Siguro dahil ang buhay ay nakasalalay sa mga lente...
Sa mga bagay na di sukat, at di permanente
Bago mo pa naitaas, mai anggulo ang viewfinder mo,
Sandaang segundo ang dumadaan, tuloy ang ikot ng mundo.
Eh ano kaya kung isang araw,
Maburyong ka sa eksakto—
And bagay na perpekto’y nag iba sa paningin mo
Naisip mong madami pang bagay na maganda
Na di kailangang ‘perfect’—pero ‘iyo’, at kakaiba
(Iginapang mo, itinutok mo, hinintay mong mai-develop,
Bukod dun, iwi-wish mo pang mag-black yung mga sulok (vignetting. Haha)...
Ano bang kasayahan ang dinadala nito?
Nitong bagay na hindi mo alam kung magiging okay o luko luko?)
Hindi ba’t mahusay din na di tayo pare pareho?
Pagka't may kanya kanya tayong lente...
Patingin nga ng iyo?

Patingin nga ng iyo?

Labels:
chick lit,
hobby--not hubby ('nu ba),
kontra amnesia,
lomo na'to,
musings,
ritrato
Thursday, October 23, 2008
Berstday ni Jay
In love with a boy.
My bestfriend, my soulmate,
My night and day.
Who’s inspired me, made me feel special
In so many ways.
Laughed with me, cried with me,
Held my hand every time
So thankful I am now,
To know I’m his, and he’s mine. --> something which took time for me to accept. because you dont 'own' people. but Im not (that) KJ--so payn. i geddit.
I thank God for this boy,
Who will always be one (a boy) at heart.
Through him I’ve seen life’s many colours.
Like Jell-O.
And pop tart.
(yes, I make wedding vows like chaka)
Happy Birthday, manong. i wabs yu. (yihee)
Monday, September 1, 2008
When you kinda saw it coming...
Masakit na.
tula ng kumare kong si kang
Pinilit nyang imulat ang kanyang mga mata.
Magang maga, namumugto,
Sabi nya’y ‘masakit na’.
Inayos ang tayo, baliwala ang hapdi
Kabog kabog ang dibdib, sa bawat sandali
Tagaktak ang pawis,
Wala na syang mailabas
Walang boses, walang hangin
Ni luhang madulas
Di mawaring malaman kung saan pupunta
Kung uurong, susulong, tatabi o babangga.
Tangan tangan ang maleta
At black eye sa mata (saan pa ba?)
Umusad sya sa kalye na parang bale wala
San ka ba patungo?
Hindi nya malaman kung saan.
Sa lugar na walang sakit.
at di ka sasaktan.

Monday, June 16, 2008
Now that Im past my second quarter
I'll try to love myself more,
and be less apologetic about almost everything.
I'll travel more often (of course),
and relish those adventures
one at a time.
I will take my time, I promise.

I will be less impatient,
and be more appreciative of those little things.
Yes--like what used to be.

I will try to laugh harder, and just be happy.
I'll take it easy, and just be thankful--
that Im here, you are here with me and HE is with us.
I will try. Try, try lah.
Photos by MakeoverInc.
Edits by the Becky.
Labels:
chick lit,
kontra amnesia,
musings,
ritrato
Friday, December 7, 2007
Pft

the seemingly 'always happy and cheery' one is alone tonight
with tears rolling down her cheeks
she calls upon good friends, people whom she know are occupied
on Friday nights like her--as she's always been.
she asks the mighty one to at least give her a break.
its a Friday night--can't he just make her sleep very early,
or get someone to talk to her on a seemingly wonderful timing?
I think he said no--so she's just there.
hating herself,
hating the world and everyone else
she's homesick as hell, tired and bent
wishing...wishing
you heed her call for help.
for she needs you badly.
please--dont let her feel she's been let down.
again.
Subscribe to:
Posts (Atom)