Friday, February 5, 2010
priority.
sabi ko sa boss ko nung isang araw,
"hanggang leeg ko na po ang trabaho, ate. ano po ba ang uunahin ko dito?"
sabi nya, lahat daw.
Ah.
Magaling ako dyan, lahat gustong gawin saby sabay.
Pero.
Iba ngayon.
May uunahin ako.
Kala ko habambuhay na akong magiging bumbero.
fire fighting kasi ang tawag nila sa mga taong nagmu multi task dito.
Pamatay sunog. Parang angkop nga naman.
Kapag tinatanong ako kung baket ngayon ko pa naisipang mag iba ng kinagawian,
Malilito ako sa isasagot.
Mapapaisip na naman ako.
At magtatanong muli sa sarili,
"Ano kaya kung kaya ko namang pag sabayin?"
Kapag naitanong ko ulit ito, paki supalpal nga ako.
Paki ulit na hindi ko hawak ang kinabukasan,
hindi ko hawak ang plano ng may kapal.
Pero may laya ako.
At may kakayahang mag desisyon kung dapat bang kumilos.
At gawin ang makakayang gawin.
May uunahin ako.
Hindi natin alam kung tama ito, pero kailangan natin syang bigyan ng pagkakataon.
Naks. Im so makata na.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment