Monday, February 1, 2010

The keso starts here






Una: Ang wedding vows ko nga pala ay impromptu.
Ah yes. Ito ang isang bagay na na-overlook ko, sori naman. Wala kasi kaming wedding coordinator dahil nagpapaka-astig kami (at nagtitipid, at control freak ako, at ayaw ko ng keso, at…). Hindi din naming ginawa yung ‘huwag munang magkita ng isang araw bago ang kasal’ chenes, dahil nag praktis pa kami ng kaunti sa Caleruega ng mga ala-sais ng gabi (na lekat, madilim na pala at nuknukan ng lamig). Hindi lang kami nagsabay kumain ng hapunan, dahil may handaan sa kanilang bahay, samantalang nanlibre ako ng bulalo sa mahogany market para sa aking mga jolalay (read: pinsans at kapatid, pati narin yung gwardya ni Papa na inarkila naming magmaneho for us. Hehe.). Mga alas dos na nang gabi nung matapos kami ni Jay (at nang mga pinsan ko at kapatid) na mag-ribbon ng mga regalo sa ninong at ninang at mag assign ng upuan sa reception. Parang ang paalaman na nga lang naming nung oras na yun ay ‘O, kitakits memya’.

Ngayon, natulog na kami at dahil na-underestimate ko ang lamig (o excited lang talaga ako), hindi ako makatulog. Ang pakiramdam ko ay madaming langgam sa kama na kala ko ay guniguni ko lang, ayun pala ay meron nga, pero hindi marami. Exxag lang ang senses ko. Ala-sais na ng umaga, tahimik ang lahat. Naupo ako sa salas habang nakatingin sa aking traje-de boda (naaks). Parang pasko, pramis. Tahimik, malamig at may kaunting init na nararamdaman ko lang pag sigurado ako sa sarili ko.

Hindi ko na alam ang timing ng mga susunod na pangyayari, pero sa aking palagay ay nag super fast forward ang lahat pagpatak ng alas dose ng tanghali at katatapos ko lang kumain ng bihon na may lechon (hanep sa pre-party lafang, ano?). Syempre late kami. Behind schedule ng mga trenta minutos, kung hindi ako nagkakamali. Ang mister ko, ayon sa post-wedding ‘bull session’ ay nagpaka-‘stage husband’. Kung ang ibang mister ay nagchi-chill nalang ay hinahayaan ang nautusan na magpa-pila ng entourage, sya ang nag-mwestro. Sya din ang namili ng background music para sa paglalakad ng entrahe namin (na nakalimutan ko ding aregluhin, josko). Nangumpisal ako sa pinsan kong pari, winasiwas ako ng magulang ko sa labas na tila ayaw pakawalan (kaya tuloy hindi ako ako nakapaglakad ng mag-isa, demet). Wala na sa akin kung gusto nilang magmaganda at hindi ako bigyan ng ‘me-moment’ (haha), dahil ang iniisip ko nalang nuon ay…

“Nag prepare kaya si Jay ng vows??”.

Dahil napag usapan narin naming yun dati.
Kami ang nagpumilit na dapat may ganong ‘innovation’ (sabi ni Father, yun daw ang tawag dun eh. Parang experiment-sounding.)
Kaso, ang dami kong inasikaso. Ang dami naming pinagkakaabalahan…
Hinatid sa altar, nag mega cry cry yung isang bata,
Nagkaiyakan na ang lahat.
Pag upo namin walang anu-ano... “May vows ka?”

Sabi nya, oo.

Wadapak…
Sabi ko, ay tuloy ba yun?

Sabi nya, “Diba?”

Ayun na nga ba ang sinasabi ko.

So…eto ang sinabi ko, matapos ni Jay sabihin yung sa kanya (na nakasulat pa sa papel na binigay nya sa akin, afterwards. With the Coach bag. Hahaha):

‘Hi Jay. Happy ninth year anniversary. So, ngayon…Wala akong vows na hinanda. I didn’t prepare any vows. (naiyak ako ng konti. Sa kahihiyan siguro) And I’ve never felt so unprepared my whole life. Pero okay lang. May nakapagsabi kasi sa akin na you will never be ‘too’ ready for anything. You can only be ready when you get there. And in front of our God and all these people dear to us—I’m ready.

Jay, I will not promise you a perfect life. I can’t promise you that things will be easy, and that there will never be hard times. What I can promise you is that as long as I live, I will do my best in everything we go through. I will be your muse, your pro-bono consultant, your wealth manager, your bestfriend, your wife and mother to our kids. We will laugh, we will cry, we will live a life and marriage that’s perfect in a way because—it is ours. I promise to take care of you and our family the best way I know of. And I promise to be there for you, to support you and complement you, in everything you do. To be by your side. No one else will travel through the shadows with me,only you. And you alone. (paborito kong linya, hiniram kay Neruda) I love you very much.

No comments: