Thursday, February 11, 2010

Nakekelam lang...

Siguro lang talaga, may mga propesyon na hindi ganon ka-dependent sa email.
May mga propesyon na ang tanging gamit ng email--well, bukod sa 'email' ay pang set up ng yahoo messenger a fezbook account.
o, pang forward ng sangkatutak na chain emails ('bad luck will befall anyone who doesnt forward this to 20 friends?? potek, lima lang ang friends ko')
at pictures ng mga baby na nasa basket/aso na nasa basket/baby at aso na nasa basket, atbp.

anyway--
ang ibig ko lang sabihin ay may mga taong hindi kinalalakihan ang kanilang unang email address.
oh.
thats another point.

may mga kakilala akong may asawa't anak nang tatlo, pero ang gamit parin nyang email ay yung
'loveless_disisaizzz@hotmail.com' email nya from high school.
O yung taong magagaling na nilalagay pa ang kanilang idad sa kanilang email address, at nakakagoyo ng mga teenager at mga kapwa nilang di-kabataan sa chat rooms, sinasadya man o hindi.

may mga kakilala din akong nagpapahanap ng boylet, mga established na duktor sa kanilang linya (so you do the maths).
matapos kong hingian ng email, bibigyan ako ng sagot na 'babygirlchenes@rocketmail.com'.
sana pediatrician sya. at least.

yung isa kong bestfriend from college ay big shot na abukado na,
at sya ang nauuto--este, napapakiusapan kong makipag deal sa mga legal na bagay on our behalf.
gusto ko sanang manakot ng isang tao tungkol sa legal cheverlin ng mga kalokohan nya, by saying:
"on cc is my lawyer"
kaso, kung ang lawyer mo ay may email na 'kaluskos_musmos@xxx.com', eh nde ko alam kung matatakot yung tinatakot ko.

well, kung iisipin--mas mainam siguro yung ganito, lalo na't obviously may anonymity ang mga alias. Pang-buwag sa mga telemarketer. Alam naman nating lahat na madalas ay nanghuhula lang sila ng pangalan, at ang swerte mo kung ang pangalan mo ay naka-saad sa iyong email (o isa kang talong na gumagamit ng office email sa pagsa-sign up sa kung anu anong personal subscriptions).
Sabi ng isa kong kakilala na nasa HR, tinitignan daw ng boss nya ang email addresses ng applicants, as they reflect professionalism.
Sabi ko, hindi pa ako masyadong 'sold' sa idea na ito (bukod sa aking palagay na madaming oras sa kanyang kamay ang boss nyang ito). Depende sa linya ng trabaho siguro.
Ibig sabihin ba ng 'cute' na email address ay 'cute' na tao?
Pwede bah. :)
Ibig sabihin ba ng address na may buong pangalan na naka-saad ay professional?
Hindi din siguro. Alam naman nating hindi dapat nagbibibigay ng mga personal na info readily through electronic means.
Sa totoo lang, mas mahirap ngang makagawa ng maayos na email address na sa iyong palagay ay nag-eembody ng iyong sarili, without giving out any personal info.
Kailangan ng matimtimang creativity dito, dahil sa araw araw na may gumagawa ng bagong email account, baka kailangan mo pang mag isip:
Paano ka naiiba?


naisip ko lang naman.

No comments: