Showing posts with label Ako ay Pilipino. Show all posts
Showing posts with label Ako ay Pilipino. Show all posts

Monday, October 5, 2009

Baka ma-draft si Charice. haha.

Below is one of my favorite comedy clips of all time. It also bespeaks of a notorious Filipino past time--yung pag 'angkin' nang lahat ng taong sikat. Kahit 1/32 Filipino nalang yung dugo nung celebrity, eh pota, asahan mo--magiging headline yan. Tipong isang linggo mong makikita yung pag mumukha nung international celebrity na yun sa talk shows, sa dyaryo, sa print ads. Iinterbyuhin ang barbero, dating kaklase nung kinder, kapitbahay na hindi naman nila nakasalimuha ever, saksakan na layong kamag anak na sa icture lang sya nakita. Wow, you wouldn't believe the power of instant relativity here.

Now, there's nothing wrong with being proud of your roots, and as the fil-ams call it 'REpresent' (hindi ko parin nage gets yung mala-rapper stress sa RE), pero naman--huwag naman sapilitan. Nakakahiya din minsan eh. Si APL ng Black Eyed Peas, ayun--he's shouting it out loud. Okay yun. Si Rob Schneider nga eh, diba. His 'loser' flicks has this one certain scene na he'll mention that he's Pinoy din. That's cool. Self initiated bah. Pero yung sabihin mo in Prime Time TV, ala-tabloid na si Mariah Carey o si George Clooney ay may dugong Pinoy...naman. Give it a rest. They'll state it out loud if they are, and are proud of it.

Anyway, kung ganon ganon nalang, edi sana sumali narin tayo sa Racial Draft (below).

Well, we're pushing for the following celebrities to be officially drafted as Filipinos:
Ewoks- kasi nagta tagalog sila. pramis!
George Clooney - kahawig nya kasi yung mga Zobel (pinoy ba sila? haha)
Quentin Tarantino

eto yung pwede nating i-trade:
Charice Pempengco
David Pomeranz




Chappelle's Show
The Racial Draft
www.comedycentral.com
Buy Chappelle's Show DVDsBlack ComedyTrue Hollywood Story

Monday, August 24, 2009

Ano ba

Nagpadala kami ng isang piraso na papel papuntang Pinas nung isang linggo. Ito yung certificate of employment ko, na kelangan daw to process our loan. Mahaba na ang kwento tungkol sa loan na yan at saka ko na uuriratin at baka lalo ako mainis. Ang gusto kong ireklamo ngayon ay ang nuknukan na corrupt na customs natin, pati narin ang Philippine post office. Nagpadala kami ng isang pirasong papel via EMS na inabot ng kamahalan, with the thinking na mai-dedeliver ito agad, at mata track ko kung nasaan na ito. Pinadala namin ito ng Sabado, at pinaliwanag sa amin ng post office dito na baka abutin ng mga Friday 'the most' bago ito makarating. So fine. Aba, lunes na, wala parin ang papel sa pinadalhan namin. Hindi naman bundok tralala ang lugar na papadalhan, nasa kalagitnaan ito ng EDSA. Nag check tuloy ako via tracking t lo and behold--nasa customs ito. CUSTOMS. Nung isang linggo pa. Ano ang ginagawa nya sa customs? Ang sabi sa tracking ay HELD BY CUSTOMS AT DESTINATION.

(click to enlarge)

May isang Blythe mommy na nag blog tungkol sa malaking kaululan na ito--her experience I call the 'wig travesty' . Ngayon, tumawag na ako sa tatay ko, at mukhang sya na nga ang mag aareglo. Ang una nyang tanong ay: 'So ano ba ang laman nun?' Sabi ko ay papel. Second question ay : 'So, hindi ba yung pinadalhan nyo na ang dapat kumuha nun?' Pinaliwanag kong mabuti ang EMS sa kanya, pati narin ang mga bagay na ni-EMS ko before. Ewan ko, sana walang involved na suhol ito, kasi talaga namang hell hath no fury like a woman extorted.

Wednesday, April 22, 2009

On the brink..

I'm trying my best to *cram* for my somewhat thesis proposal for graduate school (im baack--well, not so soon, but getting there). So far I've made two (wadapak) of 'em half cooked bitches. Ah yes, I make thesis proposals (and business write ups) when I'm bored.

Here's something very related to thesis proposal # 1:



aside form the hilarity, it speaks uncanny truth on the issue of the day, aka the 10% of the country's domestic output, the 'pillar' of the domestic economy and the very reason why the Philippines is not in recession. NOT YET.

And oh--I still haven't decided on what to discipline I should get eternally damned for-- Political Science or Geography. (well i thought I've decided on pol sci already, pero ewan ko ba, parang walang masyadong puso eh. hehe) Ayun, nag iisip parin ako ever.

Sunday, March 22, 2009

Bingi-bangers weekend

Yeah, my eardrums haven't recovered. As I was telling Gingmaganda, apekted ang pagsusulat ko, so i'll paste pictures nalang. :P

Friday. 20 March 2009.
SCAPE Youth Park.
Sandwich.
pics from mah eye-fon.
blurred sya talaga (anubah!)



Some of our friends were sensible enough to ask Raims Marasigan for a photo-op using digital camera, samantang nagtapang tapangan kami ni Jay--ang gin
amit lang namin ay ang aming lomocams (holga at horizon) sa photo-op, hoping that an ASA 800 will save the day. ah syet--gudlak)

eto pa...

Saturday. 21 March 2009.
Library@Esplanade
Nokia Music Station
Mosaic Music Festival Singapore
Wolfgang

teka, extra lang...Jay and I were just discussing Tirso Rippoll of Razorback nang malaman naming someone's joining Wolfgang for their Acoustic Session concert. (NOTE: Meng!! isa itong dream come true!)


para sa isang taong nagsusuot ng tshirt na ang nakasulat ay patungkol sa analog, si Basti Artadi ay na-bewilder nung sinabi kong fisheye ang isang camera na gagamitin ko for the shoot. :) Pero potah--ang taba ko dito.

may part sakin na nagwish na nag-ayos man lang ako ng konti.

eto ang paborito ko.
hosts: ...(while in middle of so many questions) and it's fascinating that you've gone a long way, even if you are from different nationalities.
Basti: Ah--WE ARE ALL FILIPINOS, we probably only differ in...blood. 

ay pota. haylavit.

Friday, March 20, 2009

Makabayan 101

These past months, lagi kong naiisip ang pwedeng mangyari sa mga magiging anak ko, kung iuuwi namin sila sa Pilipinas para dun lumaki.
Mataas ang crime rate sa atin, hindi safe ang mga kalye at madaming pagkakataon na kailangan mong maging praning.
Wala pa naman kaming final na plano ni Jay, pero wala lang…hindi ko kayang isipin na mami-miss out nila yung mga bagay na naranasan namin nung bata pa kami:

…ang maglaro ng patintero at taguan(!) sa ilalim ng bilugang buwan
…ang madapa, at masugatan sa pagkakadapa sa kalsadang di pa espalto
…ang maglakad sa baha, at makaramdam ng halong tuwa (walang pasok) at kaba pag bumabagyo at kumukulog
...ang makagawa ng bubbles gamit ang tide powder, gumamela at straw
…ang umakyat sa puno, maligo sa batis at makaamoy ng echas ng kalabaw
…ang kahit panandalian lamang ay matutong sumayaw, kumanta at umarte, gaya ng napapanuod sa TV
…ang maintindihan na ang pagpasok sa eskwela ay hindi lang para sa grado, para din ito sa mga kaibigan mo at mga kalaro sa moro moro (dahil isa kang eherm--runner) at para sayo, nang masilayan mo ang iyong ‘crush’ (haha)
…ang mapagtawanan sa kadahilanang barok kang mag inggles, at ipapangako mo sa sarili mong gagalingan mo pa, at next time ay di-accent na.
…ang gumawa ng tula na hinugot mo pa sa kalaliman ng iyong puso, sa lenggwaheng una mong nakagisnan, na sinasalita ng kahit sino-- sa kalye, eskwela at mga bulwagan.
…ang matawa at tumawa sa mga kantyawan at biruan na madalas ay mas masarap ikwento sa Tagalog, dahil mas may dating ito.
…ang gumawa ng mga nakakaaliw na alyas sa lahat ng taong kakilala mo
…ang saya na nakukuha sa panunuod ng basketball
…ang maramdaman, sa iyong paglaki—kahit minsan lamang, na masarap din 'palang' maging Filipino.
…at kahit na madaming maloloko, mapagsamantala, at panirang puri sa lahi mo,
…alam mong ganon ang buhay, at mag iingat ka nalang, at magiging maalalahanin sa kapwa.
…pero hindi ito hadlang para ka maging masayahin, magparty, maglaro at tumawa.
Kasi..thats’ life.
At masarap mabuhay, lalo na para sa isang Filipino.
at…wala lang.
yun na yun.

syempre din, di mawawala ang walang kamatayang nakasulat na ganito sa gate nyo, o ng kapitbahay nyo.