Friday, March 13, 2009

it's been a rough day, and this is what you get

(images not mine, snatched from eeblet and adam via flickr)

Madaming mabaho dito (or is it jas me?). there, I said it. at hindi ito namimili ng okupasyon or okasyon, for that matter.

Akala ko minsan naglilihi ako, kasi lalong na-heighten ang aking sense of smell. Eh hindi naman pala, so palagay ko ‘lumalala’ lang ang degree of smelliness ng—well, mababahong tao dito (disclaimer, baka kasi nde naman pala lahat mabaho (hindi ko pa naman naaamoy lahat), so Im not ready to make sweeping statements). Dati ay pinipilit ko pang intindihin na baka sa linya ng trabaho nila, kaya ang ibang tao ay may angking powers. Kaso madaming beses narin na napapahiya ako, lalo na pag may nakakasabay akong mukhang tagahalukay ng lupa pero smells like ‘Irish Spring’ ang lolo mo. Kabaliktaran ito ng mga taong posturang postura sa unang tingin, kaso talagang hindi lang amoy hindi naligo, hindi pa nagsipilyo (at hihikab pa, gedemet!). Dati rin ina-associate ko itong amoy na ito on certain parts of the day. Pero tinalo ang hypothesis kong ito, nang ilang mga umaga na hindi talaga candidate for ‘good morning’ dahil tila kakagising lang nga katabi mo sa bus, at di man lang nagwisik (matapos nyang mag-ehersisyo sa kanyang panaginip, take note). Sino ba naman ang gaganahang pumasok ng maaga nyan?

buti pa si lolo, panigurado.



Madami dami na yata akong naisip na catch phrases in my ‘trying really hard’ to describe how the ‘experience’ is:

‘Parang isang araw na naisipan ng sambayanang wag munang maligo. Ng walong taon. At year three na.’
‘ …pero naisipan din nilang mag-jogging sa init ng araw maghapon’.
‘…suot suot ang sakong dating sisidlan ng kambing’.
‘…na tinutulugan (DIN!) nila sa loob na ng 3 mahabang taon’.
‘…at naisipan mong I-review ang batas, kung meron bang nakukulong dahil mabaho sila’.
‘…at kung baket sa loob ng limang taon na andito ka, nabibigla ka parin pag may moments na ito’.
‘…at minsan di maiwasang mag isip—kung pwedeng manakit ng mga taong amoy kilikili, maasim at kinulob na itik na tatapat pa sa aircon vent para magpalamig.’
‘…or kung may namatay na ba nang sa kadahilanang ‘nabahuan at nainis’’.

Ewan ko ha, sabihin nalang natin na…kung may isang pagkakataon na kinailangan kong magbigay ng ‘gift’ para sa bansa na ito, ang ibibigay ko marahil (nang may buong pagmamahal!) ay ito…

TAWAS CRYSTALS.

in other news...



NB: Probably once a month, I'll be blogging about tidbits on this wonderful place Im currently located. It's called Singapore. I don't think Ive blogged enough about it, for the very reason that Im not your regular tourist guide whose into--well, touristy things. But then again I thought I should write about things as they are--'going local', as the now-cliche calls it: where to get cheap finds, where to go (non tourist hang outs, probably for the tourists (oh hey!) and non tourists) and where to find your regular items (more useful for those tourist-turned-something else). Some posts are what I'll call categorically good, some bad and some are open to debate. I won't go very political or anything--just notes-- catty comments and observation. Just like the old dyowsa.blogspot.com days. Yes, I never learned my lesson.

1 comment:

fortuitous faery said...

aba...exposè ito, ha! hehe. naturingan pa namang super-clean ang bansang ito! :P