Hence the non-bloglaloo.
May mga bagay kasi akong hinihintay at ina anticipate at ayakong ma-jinx ang mga chenes.
Eh wala naman akong ibang masabi na medyo meaningful. :P
Anyway—nag resign na ako nung isang linggo, at sine serbis ko na ang aking isang buwang requirement.
Haay. :)
Ngayon, kung marunong lang talaga akong mag relax, at gamitin ang libre kong oras, edi sana mas okay.
Eh ako? Mag rerelax? Well, Im trying. (omaygad, I didn’t just said that ‘im trying’. Haha)
Bahala na si Lord.
Ah yes, spiritual din pala ako.
In other news:
- Ay, ‘ber’ months na nga pala! Salamat Geraldine, sa pagpapaalala. :D
- At... nagkita na kami ni Chiqui (oo, tinigilan ko na munang magmaganda at mag ambisyon ng Leica Dlux) . Si Chiqui yung ate ni Chiquita. Nung nagpunta kami sa IT Fair nung isang linggo, ang balak lang naming kunin ay si Chiquita. Halos pareho lang sila ng ate nya, kaso si ate ay may mas malaking screen. Mas mabigat din ito ng kaunti, na mas okay sakin, kasi nga, sinasabi ko kay Jay—‘baka maihagis ko bigla, sa sobrang gaan’. Isa pa, nung ni test shot namin silang dalawa, parang nagpapasikat si Chiqui—mas okay yung mga kuha ko na gamit sya. So, pwede ngang pareho sila, kaso mas pipiliin mo syempre yung mas okay kumuha, pag ikaw ang gumagamit diba? Si chiqui ang aming backup camera, para sa aming project na sana (goodLawrd!) ay matuloy.
Eto ang ilang test shots ni Chiqui. No flash lahat yan, Im trying to do away with less flash, if no flash at all.
macro, no flash, night shot
no flash, zoom.
zoom, shot from a moving vehicle.
No comments:
Post a Comment