Dahil kada a-singko ng buwan ay dapat nai submit na ang forms daling sa nakaraang buwan, para makuha mo ang sweldo mo sa katapusan (na hindi pa nangyari sa buong buhay ko ever), nag-submit ako ng forms nung Biyernes. Time sheet ito, kung saan araw na ginawa ng diyos ay isusulat mo kung ano ang silbi mo. Ngayon lang ako naka-encounter nang ganito bagay, at sa totoo lang, malala pa pala ito sa pinapasulat sa amin nung Theology teacher ko sa uste na 'good deeds/bad deeds list' na kulang nalang ay ipakulam nya ako, nang meron akong maisulat.
Imagine. Araw araw. Sabi nila, madali lang naman yun, copy paste lang at recycle. Wala--hindi talaga ako naging kumportable sa bagay na ganito--yung tipong para kang bata, kailangan isulat ang ginawa mo nung summer vacation.
Ngayon, mabalik tayo--itong si miss maganda ay lagi nalang bumi bingo sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Galit kaya sya sa akin? Nang aasar lang? Kada magsa submit nalang ako nung time sheet (AT isa pang time sheet, this time wala nang detalye ng mga pinag gagagawa ko), may bad news sya. Kesho mali daw yung binigay nyang deadline. Mali yung sinulat ko, o wala nang time. Kung pwede ngang isulat nalang nya na ayaw nya, gagawin nya eh. pramis.
So ang naging mga resulta ay--2 buwang delayed na sweldo, pag hihirap at stress.
Tapos ngayon, nag submit nga ako nung Biyernes (ika-2). Ang tapos ng Sept kasi ay nung Wednesday (ala namang mag submit na ako nung forms nyan, eh hindi pa tapos ang araw. Hindi naman ako nambobola ng timesheet noh), at may sakit ako nung Thursday, so ang tanging panahon na lamang para mag submit ay nung Biyernes. Tama naman, diba? Oct 5 ang deadline eh.
eh wala pala sya ng Biyernes. (face palm here)
So ngayon, na wala akong pasok, magse send sya sa akin ng email na mukhang hindi aabot ang documents ko for the deadline.
eyng? Hindi ko na gets. Panong hindi, eh ngayon yung deadline? Nag submit na ako, nung Biyernes pa.
Eh kasi daw, ise send nya ng internal mail sa Finance, at aabutin daw yun ng 2 araw pa.
So--baka sa katapusan nalang daw ng November ko makukuha yung sweldo ko from the month of September.
Ano daw ang masasabi ko.
Sige.
sige na nga.
hindot ka,
pero sige.
No comments:
Post a Comment