Kanina, sa balita:
Sanggol, tinago ng 17 year old nyang nanay sa washing machine, 'under a pile of clothes'.
Ni hindi nalaman ng nanay ng dalagita na buntis at nanganak sa 'toilet bowl' ang kanyang anak.
Noong New Year's Eve party sa Sentosa, babae minolestiya ng 'mga foreigners'.
'Eh, ginusto nya yun eh, magbi-bikini bikini sya (sa beach party), tapos lalapit lapit sya sa kanila na tila nag eenjoy'.
'Ayan, yan ang nagagawa ng mga 'foreign talent' sa atin'.
Sabi nang amo ko minsan:
'It's different here. This is not like where you came from. We work differently, unlike where you came from'.
Actually, this is already a repeat. Pangalawang taong nagsabi sa akin. Nagbitiw ako sa trabaho nung unang nangyari ito. At wala ako nasabi. Pangalwang beses na. Natawa lang ako. Masyadong mabilis ang mga pangyayari eh.
Sana sinabi kong 'I don't really have much work experience from 'where I came from'. I worked in Singapore, my whole career life'. Na tama naman. Straight facts.
Sana binigyan ako ng gift of gab at quick thinking sa mga panahon na ganito. May part sa akin na gustong magsalita kasi ng masakit, o mamersonal. Kaso hindi naman naman ako ganon. Hindi ako magsasalita ng basta basta. But not all people are like that.
So. Kamusta ang buhay mo?
No comments:
Post a Comment