Eto yung time na nagpunta si Mr Purisima (then-from), SGV. Hindi ko ito malilimutan, kasi josko, first time ko (naming lahat) sa No Sign Board Seafood sa may Esplanade. Allergic ako sa alimango, pero napakain ako ng chilli at black pepper crab (the Best I've ever tasted, not that I've tasted many. haha). Susyal na susyal ang dinner namin nun, at mega alam naming mahal ang aming kinakain. libre pa. haha. Maaalala ko ito everytime na may mga big shot na magtatanong sakin kung saan masarap kumain. Ito din ang ni-recommend ko kay Dr Josef Yap nung na meet ko sya for the IMF-WB Annual Meetings nung 2006. Ngayon, kung alam kong budget lang ang requirement mo, ang ire recommend ko ay yung mga shabu shabu sa Marina Centre, yung 12 dollars lang eh lamon all you can, with chilli crab. Oh syet, nandun pa ba yun? Wala na yata? Ugh.
Friday, August 28, 2009
Karir, circa 2003 (after graduation)
Baka kasi sabihin nyo, niha-hao siao ko lang kayo. I came across this aged newsletter upload from the Singapore Embassy in Manila just recently. Aba. I have a newspaper cutting of the picture below (yung may banner, at ka-height ko yung ambassadress ng Singapore. hehe). Sa PDI yata namin nakuha, or sa Philippine Star. Hindi ko na alam kung saan yung clipping na yun, pero naaalala ko ha, mejo parang mas game kami dun sa litrato na yun, parang group hug na ewan, na walang trapo na kasama (este, Congresman pala). Thankfully the newsletter archives of the Singapore Embassy was brimming with info-all you can.
The caption read: Ambassador Lim Kheng Hua (fifth from right) with Congressman Nereus Acosta at the SIF-ASEAN Student Fellowship award ceremony held at the Singapore Embassy. This year's fellows are: (L-R) Tina ALejandra Firmalo, Jayeel Cornelio, Nicklaus Erick Sy, Martin Angelo Sunaz, Rica Agnes Castaneda, Kaisy Mae Cortez and Sam Christopher Lim.
Labels:
kontra amnesia,
musings,
shameless PR,
three million years ago
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
aba ang lola, sikat, cannot be reach hehe
Post a Comment