Date: 20 October 2009
Friday, October 30, 2009
Thursday, October 15, 2009
Baon
If a jet-pack is on sale here, I'll definitely smuggle one for you. hehe.
Tuesday, October 13, 2009
Happy happy joy joy.
Diba nga eh nanalo si Jay sa Jones Soda-LSI (that's Lomographic Society International for you) contest, kung saan ang mala bulldog kong picture ay nakasama sa
After what seemed like eons...
Eto na yung LC-A+ ko. Dumating na sya.
Ang sarap ng libre, naiiyak ako. haha.
omg. look at that grin. kaya ko ni-black and white eh.
Kadiri. Hindi pa bukas ang shutter. hanubah. Skeletor ishdatyou?
Kalahati nung test shots ay ginamit ko para sa kasalang ito.
Ito naman yung ibang non-wedding shots.
In fairness, mahal ko na sya.
Labels:
i heart you,
kontra amnesia,
lomo na'to,
musings,
ritrato
04-11 AS2, Kent Ridge
May mga lugar at sulok na feeling mo kabilang ka.
Mas madaling buksan ang pinto, malinis ang banyo na kahit matulog ka sa sahig ay pwede.
Masarap ang umagahan,
tanghalian,
at meryenda (na waffles with nutella).
Kung saan hindi mo kailangang tumakas,
o lumabas.
Walang masasamang espiritu at mangkukulam.
Ikaw ay ikaw.
Wala nang iba.
Malaya kang gawin ang nais mo.
"You had the freedom of the underworld', ika nga nung Earl sa 'Neverwhere'.
Dito sa kwarto na ito.
Dito ako nag plano nang aking kasal.
Dito kumatok si Jay isang umaga bago magtanghali, may dala dalang maliit na box ng cake at isang malaking OX na Uglydoll.
Dito natutulog ang mister ko gamit ang dalawang upuan na pinagdugtong, kapag sinusundo nya ako sa opisina.
Dito nagla-lounge si Janssen, kung saan kakatok nalang siya, at may kasamang bisita.
Dito sa kwarto na ito ako nangarap na maging boss ko, balang araw (hehe).
Dito sa kwarto na ito ako natataranta pag may deadlines,
Naghakot at nagkahon ng mga gamit,
Nagsayaw ng mag isa.
Dito sa kwarto na ito.
Ako nagtrabaho.
At noon--ako'y masaya.
I'll be back, Kent Ridge. :) Magkikita tayo muli.
Labels:
emotera,
i heart you,
kontra amnesia,
musings
Thursday, October 8, 2009
Julian and Moppet (shot on film)
First ROM Solemnisation I've witnessed here in Singapore. Moppet Navarro and Julian Lim's 'first time' to get married (haha). First time I've shot with an LC-A+ (film is Lomo 200 ASA). First time I've used an analogue camera to capture a wedding ceremony. Don't we just *heart* first times? :)
Labels:
kontra amnesia,
lomo na'to,
musings,
ritrato
Monday, October 5, 2009
Baka ma-draft si Charice. haha.
Below is one of my favorite comedy clips of all time. It also bespeaks of a notorious Filipino past time--yung pag 'angkin' nang lahat ng taong sikat. Kahit 1/32 Filipino nalang yung dugo nung celebrity, eh pota, asahan mo--magiging headline yan. Tipong isang linggo mong makikita yung pag mumukha nung international celebrity na yun sa talk shows, sa dyaryo, sa print ads. Iinterbyuhin ang barbero, dating kaklase nung kinder, kapitbahay na hindi naman nila nakasalimuha ever, saksakan na layong kamag anak na sa icture lang sya nakita. Wow, you wouldn't believe the power of instant relativity here.
Now, there's nothing wrong with being proud of your roots, and as the fil-ams call it 'REpresent' (hindi ko parin nage gets yung mala-rapper stress sa RE), pero naman--huwag naman sapilitan. Nakakahiya din minsan eh. Si APL ng Black Eyed Peas, ayun--he's shouting it out loud. Okay yun. Si Rob Schneider nga eh, diba. His 'loser' flicks has this one certain scene na he'll mention that he's Pinoy din. That's cool. Self initiated bah. Pero yung sabihin mo in Prime Time TV, ala-tabloid na si Mariah Carey o si George Clooney ay may dugong Pinoy...naman. Give it a rest. They'll state it out loud if they are, and are proud of it.
Anyway, kung ganon ganon nalang, edi sana sumali narin tayo sa Racial Draft (below).
Well, we're pushing for the following celebrities to be officially drafted as Filipinos:
Ewoks- kasi nagta tagalog sila. pramis!
George Clooney - kahawig nya kasi yung mga Zobel (pinoy ba sila? haha)
Quentin Tarantino
eto yung pwede nating i-trade:
Charice Pempengco
David Pomeranz
Chappelle's Show | ||||
The Racial Draft | ||||
www.comedycentral.com | ||||
|
Labels:
Ako ay Pilipino,
kontra amnesia,
musings,
NPP (no porn please)
Sige sige
Unbelievable talaga ang admin/HR dito sa opisina ko. Ang labo, men. Ilang buwan na nyang dine-delay ang payroll ko, tapos ganito:
Dahil kada a-singko ng buwan ay dapat nai submit na ang forms daling sa nakaraang buwan, para makuha mo ang sweldo mo sa katapusan (na hindi pa nangyari sa buong buhay ko ever), nag-submit ako ng forms nung Biyernes. Time sheet ito, kung saan araw na ginawa ng diyos ay isusulat mo kung ano ang silbi mo. Ngayon lang ako naka-encounter nang ganito bagay, at sa totoo lang, malala pa pala ito sa pinapasulat sa amin nung Theology teacher ko sa uste na 'good deeds/bad deeds list' na kulang nalang ay ipakulam nya ako, nang meron akong maisulat.
Imagine. Araw araw. Sabi nila, madali lang naman yun, copy paste lang at recycle. Wala--hindi talaga ako naging kumportable sa bagay na ganito--yung tipong para kang bata, kailangan isulat ang ginawa mo nung summer vacation.
Ngayon, mabalik tayo--itong si miss maganda ay lagi nalang bumi bingo sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Galit kaya sya sa akin? Nang aasar lang? Kada magsa submit nalang ako nung time sheet (AT isa pang time sheet, this time wala nang detalye ng mga pinag gagagawa ko), may bad news sya. Kesho mali daw yung binigay nyang deadline. Mali yung sinulat ko, o wala nang time. Kung pwede ngang isulat nalang nya na ayaw nya, gagawin nya eh. pramis.
So ang naging mga resulta ay--2 buwang delayed na sweldo, pag hihirap at stress.
Tapos ngayon, nag submit nga ako nung Biyernes (ika-2). Ang tapos ng Sept kasi ay nung Wednesday (ala namang mag submit na ako nung forms nyan, eh hindi pa tapos ang araw. Hindi naman ako nambobola ng timesheet noh), at may sakit ako nung Thursday, so ang tanging panahon na lamang para mag submit ay nung Biyernes. Tama naman, diba? Oct 5 ang deadline eh.
eh wala pala sya ng Biyernes. (face palm here)
So ngayon, na wala akong pasok, magse send sya sa akin ng email na mukhang hindi aabot ang documents ko for the deadline.
eyng? Hindi ko na gets. Panong hindi, eh ngayon yung deadline? Nag submit na ako, nung Biyernes pa.
Eh kasi daw, ise send nya ng internal mail sa Finance, at aabutin daw yun ng 2 araw pa.
So--baka sa katapusan nalang daw ng November ko makukuha yung sweldo ko from the month of September.
Ano daw ang masasabi ko.
Sige.
sige na nga.
hindot ka,
pero sige.
Labels:
angst mo nanay mo,
bitchapie,
kontra amnesia,
musings
Thursday, October 1, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)