Sunday, July 12, 2009

wadahell...


may sakit ako ngayon. si mamang trangkaso came for a visit, hopefully he leaves by tomorrow, at ang IKEA dining set (see earlier post. haha) namin eh, susunduin at iwe-welcome namin bukas.

in other news...

(excited. naknampota...haha.)

kakatapos ko lang mag online bank hopping, at bago umalis ng kwarto si mister ay sinabi nya sa akin na may weird na nangyari--may bumati daw sa kanya sa lomography website, informally--kono congratulate sya at nanalo daw sya sa Pop Soda chenes chervalin contest. Sabi ko, ano sabi mo? sabi nya, nagreply daw sya nang 'i did not win' ever. Emo kasi si Jay eh. haha. Hemingweys, nde sana ako masyadong magpe pay attention, kaso biglang sinabi nyang ang prize daw ay LCA (wala nang proof reading ever ito, nagmamadali ako magtype. haha) at POP 9 na camera. Naknampota. So medyo na excite ako, so kinulit ko sya. Hindi naman daw sya nanalo, at chineck na nya. Kanina pa daw nya nga chine-check. SO...

nung umalis sya ng kwarto, nagbukas ulet ako ng mac. at inurirat ko. hehe.

AT..

potangena! ako yun o! (yung mukhang bulldog sa upper right). shet. (oo, shet--imagine malalagay sa ilang bote ng Jones Soda itong bulldog na mukha na ito. leche)

okay. so yun lang. masaya ako at may LCA nako. haha. at higit sa lahat...

It simply validates that I really am a researcher. (yun!) babaw noh?

o sya, join na kayo. May two more weeks pa.

Urm, I'd like to thank da husband, Panelomo, for the bulldog underwater shot. :) Hindi flattering, pero award-winning. haha.

2 comments:

fortuitous faery said...

wow! sikat! maiimmortalize ka sa jones soda bottle! makahanap nga niyan! sa target yata nabibili yan eh!

congrats! so...this begs the question, what lomo camera DON'T you own yet? haha

The Becky said...

ahaha! sana naman eh masarap yung soda nila. alam mo na, Im picky with those things that my pugly face gets plastered with. chos. :P

re: lomo camera--Im not the collector-type naman. Si Jay yun. He (finally!) gets another hobby (aside from his fonts collection). *sign of relief here. haha*

Share the love