Ewan ko, para may isang malaki at mabigat na bagay ang nawala sa aking ga-santa claus na sako of baggages. haha. At mega gumaan ang feeling ko ha, pramis. Gusto ko sanang samahan ng p.s./N.B. note yung email ko sa raket-giver eh, na sa totoo lag eh naging sanhi ng pighati at sama ng loob sa isang buwan na ginagawa ko ang raket. May panahon na ngang sinabi ko sa boss kong ibigay ko nalang kaya na libre yung raket (na ni-dedma naman nya, so tinapos ko tuloy kahit halos nangalahati yung proposed budget ko. haha). Gusto kong sabihin sa raket-giver na dahil pinilit kong matapos ang lahat ng kalokohang ni-propose ko (at tinawaran nila, mercilessly) eh trinangkaso ako, at hanggang ngayon eh malamya parin, hindi makatulog sa gabi at lahat lahat na ng ka-lechehan. Kaso wag nalang. Waw, naiintindihan ko na siguro ang ibig sabihin ng work hazard. haha. Ang nais ko lang at this point eh mabayaran agad. Eh egad--wag naman sanang paiyakan din itong proseso na ito. Ipag-pray po natin. :P
Medyo tinoyo ako kanina-- talagang seryoso ako nung sinabi ko sa aking fezbook status na gusto kong magpunta sa isang lugar na may sariwang hangin at araw. Yun yung feeling ko nung natapos ko yung raket. Para bang bigla akong naniwala na pag nagpa-dagat ako or something that very afternoon, makakatulog ako, mahi-hynotize ng tunog ng dagat at alon ang aking kamalayan at mega makakaramdam ako ng warmth at well being. Ewan ko--kung totoyohin din ako bukas, baka totohanin ko na itong beach interlude na ito. Saan pa nga ba, edi sa Sentosa. May iba pa ba? Ewan ko--biglang nag-long ako for traquility and restfulness. Sorry naman, walang maayos na beach dito eh.
Ngayon, dahil hindi nga ako natuloy sa Sentosa, naisipan kong i-check ang EMS cherva nung bagay na napalanunan ko sa online loterya. Wah. On her way to our house na si Purima! At shet, walang nag eemail sakin (kahit na naka-register ang email add ko for updates chenes). Ni check ko ang oras--pocha, past 2 o'clock. It should get to our house by 3pm. Aiyoh. Nasa opits pa ako, at mukhang di ako uuwi na maaga, kasi may importanteng lakad ako sa hapon.
In short, mag aalas diyes na nang nakauwi kami ng bahay. at nandun nga sa estante ang delivery advice. Syet. Nakakainis na nakaka-excite. Tatawag nalang ako bukas (sa totoo lang, ni try ko pang magpa redelivery schedule. at 10 pm diba. wala akong patawad) sa Singpost.
Purima, dyan ka lang! wak ka malikot, magkikita din tayo bukas. gudnayt!
(oo, retarded ako)
So sino ba kasi itong si Purima? haha
No comments:
Post a Comment