Monday, October 5, 2009

Baka ma-draft si Charice. haha.

Below is one of my favorite comedy clips of all time. It also bespeaks of a notorious Filipino past time--yung pag 'angkin' nang lahat ng taong sikat. Kahit 1/32 Filipino nalang yung dugo nung celebrity, eh pota, asahan mo--magiging headline yan. Tipong isang linggo mong makikita yung pag mumukha nung international celebrity na yun sa talk shows, sa dyaryo, sa print ads. Iinterbyuhin ang barbero, dating kaklase nung kinder, kapitbahay na hindi naman nila nakasalimuha ever, saksakan na layong kamag anak na sa icture lang sya nakita. Wow, you wouldn't believe the power of instant relativity here.

Now, there's nothing wrong with being proud of your roots, and as the fil-ams call it 'REpresent' (hindi ko parin nage gets yung mala-rapper stress sa RE), pero naman--huwag naman sapilitan. Nakakahiya din minsan eh. Si APL ng Black Eyed Peas, ayun--he's shouting it out loud. Okay yun. Si Rob Schneider nga eh, diba. His 'loser' flicks has this one certain scene na he'll mention that he's Pinoy din. That's cool. Self initiated bah. Pero yung sabihin mo in Prime Time TV, ala-tabloid na si Mariah Carey o si George Clooney ay may dugong Pinoy...naman. Give it a rest. They'll state it out loud if they are, and are proud of it.

Anyway, kung ganon ganon nalang, edi sana sumali narin tayo sa Racial Draft (below).

Well, we're pushing for the following celebrities to be officially drafted as Filipinos:
Ewoks- kasi nagta tagalog sila. pramis!
George Clooney - kahawig nya kasi yung mga Zobel (pinoy ba sila? haha)
Quentin Tarantino

eto yung pwede nating i-trade:
Charice Pempengco
David Pomeranz




Chappelle's Show
The Racial Draft
www.comedycentral.com
Buy Chappelle's Show DVDsBlack ComedyTrue Hollywood Story

1 comment:

Meng Morales said...

May dugong Pinoy si David "Ultimate Idol of JS PRoms" Pomeranz?

:P