So, ganito nga, inaayos na namin yung lahat ng papers papunta Amsterdam at Spain. Naloloka ako ng slight, kasi naman si mister ay aalis na next week, at ewan ko kung paano magkaka uga ugaga sa pagse schedule ng mga bagay bagay:
1. Dahil 'spouse' status sya at student ako, kelangan naming magsabay ng apply sa Holland Embassy para hindi na mas mahal yung bayaran namin at nang hindi 'family reunification' chervaloo ang drama (study-papa lang. hahaha).
2. At dahil aalis sya at sa bandang Agosto na kami magkikita ulet, at aalis na naman sya, kelan kaya kami makakapag apply ng visa nyan?
3. Panu ang 'Sweden project' na dapat ang time frame namin eh before Oct (Nov na kami ulet magkikita yata, after August. syet) para ma-present namin sa Prague.
4. Madami dami na akong taong naaway sa phone, dahil lang sa tono ng pagsasalita. Humihingi naman sila ng pasintabi after masita, yun daw talaga ang speaking voice nila. rude. :D
Naiinis ako at parang ngayong babalik na ako sa pag eestudyante ulet, parang nde nako empowered to complain or something. Para bang hindi ko na pwedeng sabihin na 'who's your immediate superior?' o 'Magkano ba ang halaga ng oras mo?' ganon ba. May mababait namang tao na ever helpful.
5. Kaso ang hindi ko ma-dig eh ang iba't ibang papers na kelangang lakarin, lalo na't I'll be studying in two countries and two schools for my first year. Josme. Ang Spain ay gusto ng police report, ang Holland ay gusto ng....pera. haha. joke. It kinda makes me see things in a very international scale (waw), na lahat ng agencies at individuals ay may kanya kanyang interest.
6. Ngayon, ang kasayahan ng lahat ay naglalaho kada may documentation na kelangan ko pang i-legalise. Hinihimatay ako kada naririnig ko ito dahil:
a) wala naman ako sa Pilipinas
b) takte, alam mo bang 2,550 pesos ang kada document na ile-legalise ng Holland Embassy sa atin? Bago nyan, magbabayad ka pa ng 500ish sa DFA, at kung NSO certified yung document mo, edi pati yun. Josme! Para bang ang pag aaral talaga ay para lang sa may kayang magbayad. Buti nalang at maibabawi ko itong mga gastos na ito sa September, pero lekat...naiiyak ako at naghihirap. :(
7. NGAYON...baket ba kelangan ng ganitong procedures? Ang kadahilanan nito ay yung tinatawag na Hague Convention on Legalization of Foreign Public Documents.
Hindi kasama ang Pinas sa mga assignatory dito, at ewan ko kung bakit. Andun naman ang China, Brunei. Kahit Aruba, assignatory. Why ah? Im really beginning to feel that my citizenship is this huge barrier to go wherever I want to go. Im no student of International Law (hmmm), but really. Anu naman kaya ang kadahilanan?
No comments:
Post a Comment