Palagay ko, in our more recent times, may dalawang bagay na uso sa mga Pinoy, under the 'hobby category'. Yun ay ang 'semi-professional kuno' photography at cooking (ay culinary arts pala).
Dati kasi ang ultimate jaforms accessory ay ang telepono. Well thats so 2000. Kasi napalitan na nitong bagay na maitim, mabigat at mejo maasim (ang strap) na tinatawag na DSLRs. Uso na ang photoshoot parties. May mga kilala akong hindi na makakain ng maayos at araw araw, para lang makabili ng lente at flash at kung anu ano pa.
Ngayon, ang 'culinary arts' ang talagang pakay nitong post na ito, kaya hihinto na ako (dearest Lord, ayaw ko ng DSLR. Gusto ko ng Leica. Kahit anong Leica. basta Leica) on grappling with semi-professional photography (aka mediocre, pero okay lang nde naman ako professional eh). (Pektyur: Paella Mixto. Paborito ni Chet)
May mga ibang taong seryoso, at talagang pagluluto ang ginagawa nilang vocation. Dati nang uso ang culinary schools, pero mas uso sya ngayon. Ever. Maganda ito, kasi para sa akin, ang pagluluto ay art at science. Kung mas madami ang bata na maiintidihan ito, edi mas magaling, kasi hindi ako naniniwala na ang husay ng pagluluto ay naka-tuon lang sa iilang tao na para bang hindi na magkakamali, o hindi nagbabago ang mood.
Pwedeng kumain ka sa restaurant na paborito mo ngayon at natuwa ka, pero pwede ding sa susunod, mainit ang ulo ng kusinero at candidate ka na for food poisoning.
So imagine mo nalang kung pwede ka palang magluto ng gusto mong pagkain. At nasa kamay mo ang kapangyarihan na mapaalat, mapasarap o mapabuti ito.
Imagine mo kung madaming tao na ganyan. Hindi ba mas masarap nang mag pot luck? haha.
Kaso, ang culinary arts, tulad nang photography at 'reading books', ay subject to popularity. Minsan, para lang makiuso, sasabihin mong mahilig kang magbasa ng libro, kahit na brochure lang ng make up ang nabasa mo (yung unang paragraph lang). Bakit mo sasabihing mahilig ka sa culinary arts kung ang alam mo lang na lasa eh patis at suka? Hindi ba nakakalinlang ito? Bakit mo sasabihing mahilig ka magluto kung ayaw mong natatalsikan ng mantika, at once in a blue moon ka lang magpainit ng kaldera? At so totoo lang, madaming tao na ganon. Hindi ko tuloy alam kung sasabihin kong hobby o interest ko din ang culinary arts, kasi hindi ko sya nakikitang ganon. (Pektyur: Pininyahang manok. Paborito ni Jay na ulam ever, mukhang pumapangalawa lang sa version ng biyenan ko)
Para sa akin, ang pagluluto ng masarap na pagkain ay necessity. Mahal at nakakataba ang araw araw na kain sa labas, at kung hindi mo gusto ang luto mo, eh gudlak--hindi ka talaga kakain sa bahay.
Ayaw mong ma-disappoint ang mga pinagluluto mo (kahit na ikaw lang yun at wala nang iba), kaya ibibigay mo ang higit pa sa iyong makakaya.
Hindi ko alam kung bakit, pero nare relax ako pag nasa kusina akong mag isa, naghihiwa, nagpapakulo o nagdidismantle ng body parts (carnivore alert!).
Dati, ang reklamo sa akin ng nanay ko, matagal daw ako magluto. At masyadong 'scientific'. Hindi ako naniniwala na scientific ako. Ang scientific na pagluluto ay para sa mga nagbe-bake. Baking ang isang bagay na mangangamote ako, pramis. Hanggat nakakagawa ako ng puto gamit ang steamer, hindi ko muna papasukin ang pagbe -bake. Mahina ako sa measurements at conversions (pero magaling ako sa mag-estimate), at ang huli kong ni-bake na crinkles ay nagmistulang kuchinta (i know. pathetic).
Im happy to report na mabilis na ako magluto ngayon. Siguro kasi wala na ako sa bahay namin at pwede nang magmalakas na apoy sa kalan. haha.
Bukod sa ex-boyfriend ko at isang kaibigan na gustong gusto ang aking lechon paksiw, wala na akong matandaan na pumuri sa akin sa aking pagluluto.(hindi legit ang mister ko. syempre sasabihin nyang paborito nya lahat ng niluluto ko, kahit maghain pa ako ng bubog at alambre).
Hindi ako naghahangad na mapuri, kasi basta nasarapan ako, okay na sa akin.
At maniwala ka, maarte ako sa pagkain. Ayaw ko ng matamis na ulam. Ayaw ko ng dry. Lalo nang ayaw ko ng hindi mainit (well, unless sashimi sya).
I suffer this mental illness called 'snooty tummy syndrome', kung saan kung hindi mainit ang ulam, o kahit kanin man lang, nilalamig ang tiyan ko at nawawalan ako ng gana. Pero hindi ibig sabihin ng masarap ay mahal. Ang bistek, for example ay kadalasang masarap sa mga karinderya. Kaya pag ikaw ay nagluto nito, at sinabi kong lasang karinderya sya, take it as a compliment. (Pektyur: Tapa!)
Kung may isang award nga na proud na proud ako, yun ay ang 'Best in THE (technology and home economics) award ko nung graduation. Palagay ko dine- deserve ko yun ng tunay, bilang nag iisang tao sa school namin na alam kung ano ang pagkakaiba ng rice cooker at slow cooker, o braise at saute.
Mahilig din akong gumawa ng versions ng mga tipikal na ulam. Ilang taon na ba akong nagpa pasta na walang tomato sauce o kahit white sauce (hindi alfredo yun. hindi lahat ng white sauce eh alfredo. suplada, ampota), aglio olio lang. Minsan may chinese sausage (na ang tawag sa atin ay chorizo de bilbao, na wala naman pala talagang ganon na chorizo sa bilbao).
Para sa akin, ang mga nanay ang isa sa mga taong magagaling magluto in general (in general ha. alam mo na, kelangan i-rule out ang mga taong naglalaga ng sapatos).
It may come with the package, but they seem to always burst with generosity. It's as if their ability to love and give without anyting in return reflects a mother's way of cooking.
Isa yun sa mga dahilan, kung bakit ko gustong maging nanay eh. :D
So ayun. Hindi ko malaman kung paano sasabihin ito with whole eloquence, pero para sa akin, ang pagluluto ay isang form of expression.
Sa pagpili palang ng ingredients, andun yung sense of importance. Kelangan fresh. Kelangan okay ang source.
Humahangos ka pauwi ng bahay, bitbit ang iyong mga pinamili, magsasalang ka na sa kalan ng lutuan.
Magmamadali kang mag chop/mince/cube ng sangkap, lalagyan mo ng ga-patak ng mantika ang lutuan (hindi ako mahilig sa naliligo sa oil. yak).
Ilalagay ang ingredients, maaamoy mo maya maya ang bell pepper, o onions o garlic, acquainting with each other.
Magdidikdik ka ng paminta sa almires (oo, meron akong almires), maghihiwa ng basil, o magbubudbod ng turmeric.
kukulo, titilamsik, magsi simmer.Ihahanda sa mesa.
Hectic.
At gustong gusto kong ginagawa.
Well. Obvious ba? :)
Prep stage ng bacon at asparagus. Para sa mga vegetarian. hohoho. :)
4 comments:
"Ayaw mong ma-disappoint ang mga pinagluluto mo (kahit na ikaw lang yun at wala nang iba), kaya ibibigay mo ang higit pa sa iyong makakaya."
sobra akong nakakarelate. hindi ko talaga gusto ang magluto. napilitan na lang ako when i started living independently. kailangan kong magluto for myself at dahil pihikan akong bata, kailangan masarap ang luto ko. and, i actually came to love it. halos araw araw lagi ko na lang iniisip, minsan kahit pa nagkaklase ako, kung anu bang masarap lutuin pag-uwi. :)
hi po. i'm your new stalker. i hope it's ok if i link your blog to mine para easy access :)
Hola Email! wah, all the way from the land of smiles. :) sure sure, let's exchange links. :)
mas matamis pa rin ang ngiti ng mga pinoy. supladita, ayaw patalo? :) thanks. nalink na kita :)
was about to add 'transvestites', but hey... :P
Post a Comment