Monday, August 24, 2009

Ano ba

Nagpadala kami ng isang piraso na papel papuntang Pinas nung isang linggo. Ito yung certificate of employment ko, na kelangan daw to process our loan. Mahaba na ang kwento tungkol sa loan na yan at saka ko na uuriratin at baka lalo ako mainis. Ang gusto kong ireklamo ngayon ay ang nuknukan na corrupt na customs natin, pati narin ang Philippine post office. Nagpadala kami ng isang pirasong papel via EMS na inabot ng kamahalan, with the thinking na mai-dedeliver ito agad, at mata track ko kung nasaan na ito. Pinadala namin ito ng Sabado, at pinaliwanag sa amin ng post office dito na baka abutin ng mga Friday 'the most' bago ito makarating. So fine. Aba, lunes na, wala parin ang papel sa pinadalhan namin. Hindi naman bundok tralala ang lugar na papadalhan, nasa kalagitnaan ito ng EDSA. Nag check tuloy ako via tracking t lo and behold--nasa customs ito. CUSTOMS. Nung isang linggo pa. Ano ang ginagawa nya sa customs? Ang sabi sa tracking ay HELD BY CUSTOMS AT DESTINATION.

(click to enlarge)

May isang Blythe mommy na nag blog tungkol sa malaking kaululan na ito--her experience I call the 'wig travesty' . Ngayon, tumawag na ako sa tatay ko, at mukhang sya na nga ang mag aareglo. Ang una nyang tanong ay: 'So ano ba ang laman nun?' Sabi ko ay papel. Second question ay : 'So, hindi ba yung pinadalhan nyo na ang dapat kumuha nun?' Pinaliwanag kong mabuti ang EMS sa kanya, pati narin ang mga bagay na ni-EMS ko before. Ewan ko, sana walang involved na suhol ito, kasi talaga namang hell hath no fury like a woman extorted.

5 comments:

fortuitous faery said...

document lang ito, ah! why all this hassle?

sailormoon said...

what document? the explanation better be good. otherwise, these customs people are in a lot of legal trouble! tell your dad na tawagan ako kung me problema pa din. i want to kick some customs ass :)

The Becky said...

haha! companera y companera ang tawag sa fortion na ito. :P In fairness ha, first comment ni sailormoon ito sa blog ko, mag hawak kamay po tayo. :)

tumawag ako kanina sa pinadalahan ko, to check. Andun na daw. Baka nagbabasa ng blog ko ang customs.

salamat sa thoughtfulness--im na-tats. :)

sailormoon said...

mabuti naman kung ganun... wala na pala tayong aawayin. sayang nasa battle mode pa naman kami ni fortuitous fairy. haha.

might visit a friend in singapore on september (explanation sa sudden comment?) haha. if my schedule permits, ms. iggy & i might actually get to visit you :)

The Becky said...

ay ay! cge cge. I'd say 'right on!' on the very much needed vacay. Hope you'll find time to visit us, mukhang mauuna pa tayong magkita kesa kay conniechiwa (and me). haha. I'll send you my mobile number via fezbook/email.