Wednesday, March 17, 2010

galaw galaw.

Ang hirap nang may hinihintay. hindi na nga ako magkamayaw, malapit ko nang i-"therefore conclude" na ang buhay ko ay isang malaking waiting game, at ako ay napaka sigasig na kalahok. Kaninang tanghalian, habang naglalakad (ng kinse minutos, one way. suicidal ako eh), tahimik kong pinakikiusapan ang sarili ko na kelangan kong tigilan ang mag isip ng mag isip, at hindi ko na naman na-eenjoy itong mga nasa paligid ko. kaya mula ngayon... nde ako maghihintay. hahayaan ko lang syang dumating. Kung ayaw nya, edi huwag. I will live the present, and will cherish every single moment.

yak. mushy.

--o--

PANELOMO is Lomo Home of the Day!
Ang asawa ko na adik sa lomo ay nanalo nang LHOTD! Hindi Lot yan, as in House and Lot (wish ko lang, diba), kundi Lomo Home of the Day, kung saan binigyan sya ng 50 piggies ng LSI. Nanalo sya kahapon--na monthsary namin (of course we celebrate monthsaries. im a pain in the butt like that). Matagal na nyang pinag dadasal na makuha ang lomo version ng Nobel peace prize na ito (na araw araw eh may nananalo. come to think of it. wah. amfani). Bago pala ito, nanalo din sya ng fenk na pis-eye, na kanya namang iniregalo sa aketch as belated valentine's day gift. aww. :)
mukha akong abnoy dito.

at dahil pinakasalan ko sya dahil mahal ko sya (at hindi dahil sa pera, dahil wala naman syang pera. NOTE: ang habol ko daw kay Jay, according to him, ay ang kanyang katawan. weh.), pwede narin nating sabihin na nakuha nya ako sa piggies. at pink fish eye.

Aye?


mas bagay kay Zia.

--00--
Eto pala ang isa sa mga cute kong inaanak at ang kanyang magic show (aka Ninong Jay's comedy program)

2 comments:

fortuitous faery said...

amen to living in the present! yan ang tinutumbok ni eckhart tolle. happy monthsary!

ang cute ng pink fisheye!

btw, napanaginipan ko kayong mag-asawa recently. limot ko na ang detalye...basta magkasama daw tayo.

The Becky said...

susyal, may dream sequence, baka magkikita nga tayo. soon. naks. :)

Share the love