Tuesday, March 2, 2010

Suntukan nalang tayo

prustrated akech.

sa aking palagay,
hindi dapat nag pinahahawak ng mga project na may kinalaman sa interngek ang mga taong hindi naman IT-inclined.
kasi may sakit sila.
sila yung mga taong bibigyan ka ng sakit ng ulo,
sasabihan kang mali ang ginagawa mo,
samantalang ni wala naman silang idea kung ano ang facebook.
o twitter.
(hindi ibig sabihin nito ay olats ang mga hindi nagpe facebook. ang ibig kong sabihin ay mga taong HINDI alam kung anu ang mga ito).

sasabihin nilang ayusin mo ang lenggwahe mo pag nagse set up ka ng forum,
at pag sinabi mong 'sige nga, ikaw ang gumawa ng post',
ang forum post nila ay nakapangalang 'twitter forum'.
at 'facebook forum'.
ay eto pa ang bago: 'blogging forum'.
josko.
Po-protektahan nila ang mga researcher na gagamit kuno ng site mo, sa pamamagitan ng pag-gamit ng pormal at tuyot na lenggwahe.
akala nila gusto ng mga researcher na pag usapan lang ang mga boring na bagay, at walang kinalaman dito ang mga bagay na informal tulad ng buhay, pagkain, usapang kanto at sapatos.

Sila at yung mga taong magaling mag-pad ng write up tungkol sa mga features ng bagay na ginagawa mo,
pero walang ka ide-ideya kung paano gamitin ito.


argh.

No comments: