Wednesday, June 30, 2010

Notes to self:


1) Huwag mag madali, makakarating ka rin.

2) Huwag atat. Mas mataas ang market value ng taong marunong humindi.

3) Matutong mag enjoy (talaga naman).

4) Huwag pilitin ang mga bagay na hindi ayon sa panahon. Ang manggang hinog sa piliit ay mapait (naks).



5) Hindi 'relatively' malapit ang mga lugar na bina byahe ng tren in 8 hours. Hindi talaga.

6) Bukod sa babae ka, at nakaka-exicite isipin na adventure ang mag byahe ng mag isa sa iba ibang bansa na mag isa, isipin mo din na may mga taong aatakihin sa puso, iniisip pa lamang ang mga pwedeng mangyari sa'yo. Wag mo naman silang pahirapan.

7) Huwag kalimutan ang mga unang napagkasunduan at huwag magpa-distract sa mga 'extra'.

8) Matuto sa mga aral ng nakaraan--iwasan ang maagang overexposure, be choosy with your battles (refer to item 2).

9) I-enjoy ang natitirang mga araw. Mag-aral ng iisang bagay na matagal mo nang gustong aralin, mamasyal at magbigay galang sa mga ninuno, sulitin ang natitirang mga araw na may literal na 'araw', magbigay pugay sa pamilya at mga kaibigan. Huwag punuin ang schedule. Maglaan ng 'alone' time.

10) Chillax lang.

1 comment:

Meng said...

Winner yung number 6. At number 2. :D

Share the love