tagged by mommyontop
Tag: Our Kids Names
List all of your kids’ names, or even just one. Its up to you. Write down the story or the reason why you chose it. If you’re expecting or planning to have more kids and already have a name for them….list them down too.
Nako, even before we got engaged, Jay and I have been talking about what to name our kids in the future. I have personal favourites din kasi, so even before I had a steady boyfriend (which was eons ago, thanks to jay and divine intervention), I have names na in mind. I think its a girl thing. hehe. Wala lang, may mga names lang na gusto ko, like Laurice. Cguro kung pwede lang magpalit ng pangalan nung bata ako, I'd name myself Laurice. Ewan ko kung baket. Anyway--here's a peek at 'our' picks. (brace yourself, this is not a one boy one girl list. heh)
1. Stella Galadriel- aka SG, Stella, Elle. Stella--kasi it means 'star'-- 'bright'--istariray. Ayoko nang masyadong girlaloo na pangalan, at baka lalong mapabilis ang init ng ulo ko pag nagdalaga na sya. I was also thinking Estrella, kaso parang bakery ng hopia. Yung Galadriel--obviously, I'm saving her the effort to convert her name into 'LOTR' elvish. hehe. On the side, Stella Mcartney is a great young designer. Wala lang--parang astig eh. Stella. Wag lang mare remake yung 'ella, ella , ella' ni Rihanna, okay na sya. Tapos yung Galadriel--gusto lang naming mahirapan sa NSO, at mga certificates. Gusto din naming mahirapan sya sa pagse shade sa mga entrance exams, NEAT, at kahit sa mga exams sa school. Tiyak na hihingi na yun ng affidavit for change of name, bata pa lang.
2. Agnes Josephine-- aka AJ. Pwede ding Agnes (kung magiging mabait syang bata ever), or Josie (na pangalan ni Drew Barrymore sa 'Never been Kissed' at locally--pangalan ng labandera nung kaibigan kong si Alvie). Eto, obviously is connected to mine and Jay's name. Feeling ko kakaunti palang ang Agnes Josephine sa mundo--parang Rica Agnes yan eh-- kung meron man, limited stock.
3. Francis Isaac (pronounced as 'AY-SIC') - aka kiko. eh ano pa nga ba. sisihin yung idol ni Jay. talaga namang ipapa-seminar ko ang taong nde maka-gets nito. yung Isaac part--ah, ayan yung gusto naming character sa 'HEROES', yung nakakapag paint ng future (kaso, na dedo sya sa season 1 palang. tsk tsk. ) Sa mga taong HEROES fanatic na magsasabing 'eh baket hindi nalang si Peter ang character mo? kaya nya lahat'. eh utang na loob. ikaw na at ang isang milyong viewers si Peter.
4. Henry Raphael -aka raprap. Malamang pagtanda nya, at tampulan sya ng alaska, dahil isa syang basista, tapos 'raprap' and pangalan nya, ide declare nyang Henry nalang ang gamitin. On our side of the family kasi, all the boys are 'Henrys'--from my father. Anyway, yang Raphael, ang malalim na explanation nyan eh character yan ni Jay sa Soul Calibur (na nagchampion nga pala sya nung last tournament). Kung pwede lang sanang 'Talim' ang ipangalan ko sa anak ko, edi sana mas masaya.
ngayon, i tag thee-- tinays, kat at patty
No comments:
Post a Comment