Friday, January 9, 2009

Mga pahapyaw

i wrote this last night, but was not able to post right away. sori ha. :P

Habang ako'y naglalakad sa Kent Ridge, pauwi na matapos kumain nang lamb sa NUSS guild House...

1. natawa ako dahil naalala ko ang sabi ni Ron. Matapos ko kasi syang maisip i-aprove sa fezbook, bigla nalang akong nag sulat sa wall nya, with details on how i want their (AB Choral') 'help' for my wedding. Nag reply sya at sabi 'Direct to the point ka ah! chenes chenes...'sabay may ending na 'o, magkamustahan naman tayo--kamusta ka na?' ahaha. pwede na nga akong mag asawa. Kumakapal na ang mukha ko eh. (mental note: wag kalimutan ang pagbati at pangangamusta sa kada sulat, lalo na't patungkol ang sulat sa isang malufet na request na ikagaganda nang kasal mo)

2. Ngayon, nalaman ko lang ang tindi nang pangangailangan ko kay Ron nung tumawag sakin si Miro. Kaninang tanghali. Oo, ganito ang buhay ko ngayon. Bukod sa life sentence na pinagsisilbihan ko, salamat kay mayordoma-- tumawag ang bespren ko from HK at ang tanging nasabi ko lang nang matino eh 'Si Miro ba ito?' Yan eh habang naghahalungkat ako ng basura--este, estante--naghahanap kasi ako nang travel plug na all-in sa co-operative namin na ironically, nde cooperative sa kadahilanang sa iniliit ng pwesto nila sa Bukit Timah campus, magulo lahat ng paninda nila. Sabaw sabaw ako, nde ko nga alam kung paano ko naayos lahat nang pinapagawa ni mayordoma today. With matching preemptive measures pa ha.

3. tatlong araw akong andito sa Bukit Timah campus nang NUS. Humingi nang tulong yung isang alalay nang amo ko (tawagin nlanag natin syang mayordoma), at ako ang lucky draw winner. ngayon mali pala ang pagkakarinig ko--nde pala tulong ang kelangan nya. Katulong pala. :) diba ang cute? wala --okay lang ako, altho 2 straight days na akong badtrip come lunch time. I'll be fine. im not letting any wretched bitch spoil my last few weeks being single.

4. nako, OA na itong goodbye to singlehood chenes na ito ha. or yung idea na 'magpapatali ka na' na naririnig ko dun sa mga taong nde ko naman close pero iniimbitahan yung sarili nila sa big day ko. As if saying anything mean will get you an invite. Ako lang ang pwedeng mag joke about my state of distress, either present or future. Nyeta. :)

5. at...bumigat na naman ako. okay--nde as if nde ako mabigat ever. ang ibig kong sabihin eh medyo gumaan ako nang konti nung minsan (basta, minsan). as if nagtampo ang timbang ko. ngayon, imagine them coming back, merry and boisterous. they even brought MORE friends. egad!

6. ay! nakuha na namin yung iba pang kuha for the panelo.com 'free nap'. may mga magaganda, at syempre may mga --eherm panahon na huminga ako at nagpakatotoo. :P Mula ngayon--i'll try to hold everything in, at nde nako magpapakatotoo ever. wahaha. nde yata bagay sakin ang relaxed look. may isa akong picture, okay na sana eh, kaso naknampota yung braso ko, parang ewan. alam mo na--parang bagay na nakakasakit pag ibinato. :)

p.s. pramis, magpo post ako nang checklist for the big day. pati narin list ng suppliers ko. not that you may be interested--wala lang. mas fun yatang pakinggan yang mga details na yan kesa sa details regarding sa career ko. hehe. AT! i'll post some (more) pictures. sorry ha, baka may mga naiinis na at eto nalang lagi ang kwento ko. yaan nyo by next month, iba naman. Boracay naman. (yihee. may isang batang excited! oy, nde ako ha.) :P

pero..eto muna ang ilang keso-ness. (salamat ulet, jon--move over, mangored (joke, randall. joke! ))













1 comment:

fortuitous faery said...

re: the feet photo with the locked door...very symbolic ha...there's no turning back! hehe.

love the last one with matching blackbird flies around your necks. may robot pa. :P

ang saya-saya naman ng pics niyo! :P