Thursday, September 11, 2008

Kulto-rera

May isang kulto dito sa pilipinas.
Kulto ng mga babaeng nag aayos ng kanilang ‘second debut’ as misis ni kuwan.
Wala namang sanduguan na nangyayari gabigabi,
At walang layunin na para sa ikadadanak ng dugo,
Dahil ang kulto na ito ay high-tech. Online ang mga tita.
Dahil sa gusto ko ding makahanap ng mga taong parehong perwisyo—este karanasan ang pinagdadaanan ngayon,
Sumali ako.
At dahil bago lang ako,
Hindi ko na-‘digest mode’ yung kada post delivery.
Kaya kinabukasan, nagmistulang nagtatae ang inbox ko.
500 unopened messages. And counting.
Tae nga.
Ngayon, medyo nakaka-isang linggo nako sa samahan.
At naka-digest mode na ako.
Hindi na 500 messages kada araw.
50, or so—nalang.
Madami naman akong napupulot sa samahan na ito.
Mga suppliers na okay, feedback sa kung kanino,
Sa totoo lang, puwedeng pabagsakin ng samahang ito ang isang supplier
Nakakatawa ngang isipin, parang ang ‘nanay kong hoodlum—pero tsismosa’ ang dating.
Syempre, hindi din naman maiiwasan ang mga electric fan,
And mga hoover, at mga stove (masyadong mainit).
Si sister na kakantahin daw ang buong panata nya,
Si sis na pati panghinuli ni future mister eh babanggitin, dahil Lexus ang brand nito,
Si sis na saksakan nang yaman, parang pwede pa nyang i-sponsor ang kasal mo, times 300...
Ganon ba.
Wala lang.
Saya, diba?

--00--

Sa mga hindi pa nakakaalam,
At sa mga hindi pa nakakapick-up,
I just got engaged.
After 8 years.
Hindi po ako buntis (pwede ba, tigilan nating i-pressure at i-stigmatise yung mga taong porke’t buntis eh kelangang ikasal).
At tama po—yung boyfriend kong naging manfriend na (sa tagal)...sya nga.

ayaw nyo maniwala? eto ang pruweba...

3 comments:

gingmaganda said...

ayos. maligayang pagbati!

The Becky said...

thank you. pinag dedebatehan pa namin kung sasama ang mga manika ko at si kermit (na malaki) pag uwi. baka singilin na kami ng pang isa pang tao sa ticket eh.

gingmaganda said...

haha. handcarry mo na lang. pero ewan ko kung makakalibre pa si kermit. hee.