kung paano ka kakain ng hapunan, paano yung mga taong kasabay mo sa pagkain, ano ang kakainin nila, paano ka makakatipid sa halagang pang isang tao lang na pang-kain, paano mo iindahin ang gutom na halos lamigin ka na sa grocery kasi wala ka nang ma-generate na body heat sa gutom? iisipin mo, bakit kaya hindi ka nalang kumain mag-isa sa labas, magbibilang ka nang pera, at makukunsensya ka--paano naman sila? bitbit ang iyong mabigat na dala na pinag isipan mo pang mabuti--'masustansya ba ito? magustuhan kaya nila?', uuwi ka at magsasalang ng bigas at kawali. kumakalam na ang sikmura mo, at hindi na maipinta ang iyong mukha.
sabay babanatan ka ng paunang 'badtrip ka?'
kung malas malas pa-- 'gagabihin ako nang uwi'.
so bukod sa gutom na gutom ka na, at yamot na yamot sa sarili mo-- bawal ka pang ma-bad trip ngayon.
sabi nang ninang ko, ganyan daw yung feeling nang magulang na nagbibigay ng libreng pagkain at tirahan at pera sa mga teenager nilang wala namang pakialam. sabi nya lang yun, ewan ko kung totoo.
2 comments:
AAAAAAAY! Napakant ako gn "So true, funny how it semms..."
Ganyan ang araw araw na feeling ng isang working nanay, at may asawang high maintenance sa pagkain, at may nag-aantay na dalawang anak sa bahay kasama ang dalawang yaya na syempre, pakakainin mo din.
Lalong gumanda ang takbo ng masaya ko nang araw nang mabasa ko to. Nyeta ka.
Correction. Ang kinanta ko ay, "So true, funny how it SEEMS..."
Galit ako sa letter magtype minsan. Sorry naman.
Post a Comment