Monday, November 3, 2008

Crocs Sale

Madaming nagpunta sa Crocs sale sa may Red Hill kahapon. Ewan ko kung nung isang araw din, pero malamang oo. Dahil kahapon, bukod sa napakahabang pila (na pintatulan namin ni Tin, queueing for 1 ½ oras), nagsunog kami ng body fats for more than an hour, kaka-bend at kakawasiwas ng mga sapatos to the point of dehydration. Parang palengke ang style ng bentahan. Oh scrap that—anung palengke?? Hindi noh. Parang eksena sa march of the penguins kung saan naghahanapan na yung mga nanay at yung tatay-baby tandem. Susme. It was chaotic in every sense. Eh mabuti nga sa march of the penguins, malamig nung naghahanapan sila. Yesterday was like an acquaintance party in er—hell (not that Ive been there, or am I ecstatic about it). Ang sistema eh ganito:

1. Isiping mabuti kung anung size mo. Kung hindi ka sure, maghanap na sa mga bungkos ng sapatos na nasa kahon sa hallway, wishing na sa unang dukot mo, ay yon na nga. Maniwala ka—madaming beses mo itong gagawin.
2. Pag alam mo na ang size mo, at hawak mo na ang isang perfect fit, magwish ka ulet na sa susunod na dukot mo eh makukuha mo narin yung kapares. Hindi counted pag magkaibang kulay.
3. Pag wala sa box #1 ang kapares,wag mag alala—may lampas sampung box ka pang pwedeng limasin. Hindi pa kasama yung mga taong pwede mong i-stalk, dahil kita mong tangan nila ang match ng hawak mo.
4. Pag wala ka talagang makita, kunin mo nalang muna ang pwede mong makuha—mga pares na pang Helga da giant, pares na pwede mong sakyan pakabilang isla, o pares na ayaw mo sa totoong buhay.
5. Makipag trade nang mga finds mo sa ibang taong mukha ding desperado. Mag wish na isa sa kanila si Helga da giant na yamot na yamot na, kasi ang size lang nilang nakukuha eh panay size mo (asa ka pa).
6. Pagwala talaga—isipin mo nalang na plastic ang mga nalintekang sapin sa paa na ito—bumili ka nalang ng cutter sa stationery shop para makapagtabas ka, o di kaya’y paarawan mo ng tunay, nang matunaw.

At dahil dyan...I bet my betlogs...
1. After the sale, madami ang magdedeclare na nakakalakad sila sa tubig.
2. Dadami ang escalator casualties (eew).
3. at dahil ga bardagul ang mga tsinelas ng nakararami, magkakaroon ng mass ‘talisod’ movement
4. Mauuso ang tsinelas na parehong kaliwa or kanan
5. Magtatayo na ng sauna ang crocs dito. AT...pipilahan parin.


Singaporeans are merciless on bargain hunts. (in fairness, may mga supladong pinoy din)
now you havent seen the 'other' corner.
Tin and I reconvene at this corner--called 'the boxes corner' to make sense of all these craziness. What a good day for sisters to bond. (chos)
at dahil walang may gustong bumitaw sa kulay ube, napag isipan naming gumawa ng schedule, at magtayo ng grimace fans club.

4 comments:

fortuitous faery said...

omg it looks like a warzone and a refugee camp at the same time! cool crocs!

The Becky said...

thanks conell. now my sister wants to get those thingies you put 'in' the holes. she should get them in yellow. and white. Sapin-sapin ba ito?

fortuitous faery said...

haha, i think i know what you're talking about...i think sketchers came up with those (i was surprised they have "crocs" too). although the first time i saw those add-ons was at divisoria when i was on vacation last february! sa "japeyk" ko muna nakita...haha.

gingmaganda said...

gibbits!

ang cute ng crocs niyo! parang gusto ko na rin tuloy. kaso payat ang paa ko. baka di bagay sa akin. iskor nga mmuna ako ng japeyk sa greenhills. haha.