Thursday, July 9, 2009

end of the world

Di ba nga, wala kaming dining set ngayon. May napipintahan na kaming bago, at nasa IKEA pa sya, hinihintay kaming lahat malibre sa kanya kanyang schedule, para maiuwi ito.

Ngayon, hindi ko nai-press release pero wala narin kaming TV set sa living area. Nung nag renew kasi kami ng contract nung April, pinakuha na namin itong nakakaawang TV ng land lord namin, kasi bukod sa panget ito, eh--well, panget ito. wala pang remote. ngayon, naisip naming huwag munang bumili, kasi hindi pa naman kami nababagot sa mga movie downloads at youtube. Baka sa December nalang, maka-tyempo pa kami ng 200 dollars na 32" LCD Plasma. haha.

So oo... medyo bare na ang common area namin.

ngayon...
may magaling na naliligo na nagwa water heater, tapos di sinasara
so tumaba yung hose tuloy, mukhang nainitan.
at for some reason tumutulo ang gripo ever ng malakas this morning.
bumigay na.
kelangan ko i-shut down ang buong tubig ng bahay tuloy.
so wala narin kaming tubig.

dapat nabang mag panic?
tanungin natin sya...

1 comment:

Anonymous said...

di kailangan magpanic
ang kailangan eh mag-igib